MAS pinag-ibayong pagkolekta ng buwis ang tema ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pag-arangkada ng ‘tax campaign’ nito para mapataas ang tax collections sa gitna ng COVID-19 pandemic na nagpabagsak sa ekonomiya ng bansa.
Inatasan ni BIR Commissioner Caesar ‘Blly’ Dulay ang mga key revenue official na kumbinsihin ang mga negosyante at taxpaying public na tugunan ang pangangailangan sa buwis at tumupad sa kanilang tax obligations para maiahon at muling mapalakas ang kalakalan at negosyo sa bansa.
Mahigit sa 120,000 business firms sa bansa ang tumigil sa operasyon dahil sa lockdown sa pananalasa ng pandemic at tinataya na mahigit P10 bilyon ang hindi nakolekta sanhi ng idinulot na pinsala ng health crisis.
Gayunman, sa kabila nito, ang BIR ay nakakolekta ng P1.956 trillion sa noong 2020 fiscal year, bahagyang mas mababa kung ikukumpara sa 2019 tax collections na umaabot sa P2.186 trilyon.
Kamakailan ay inilunsad nina Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III at Commissioner Dulay ang tax campaign ng BIR at nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa taxpaying public na tumupad sa kanilang yearly tax obligations, hindi lamang para makuha ang tax collection goal, kundi para maiahon ang bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Inatasan ni Commissioner Dulay sina revenue frontliners Metro Manila Regional Directors Maridur Rosario, Jethro Sabariaga, Gerry Dumayas, Albin Galanza, Romulo Aguila, Jr. at Glen Geraldino na mas paigtingin ang kampanya sa pangongolekta ng buwis upang makapangalap ng karagdagang taxes ang Kawanihan.
Ang BIR ay naatasang kumolekta ng P2.914 trillion sa taong 2021 at kabuuang P3.287 trilyon naman sa taong 2022.
“Out of the P1.9 trillion collection, and if you compare it with the 2019 figures which showed a decline of 10 percent beacause of the 2020 lockdown, it still commensurates with the colection of the BIR. And if you compare the tax types, collected tax types from 2019, or on a year-on-year collection, there is a negative 10.53 percent or a total of P230.13 billion,” paliwanag ng mga regional director.
Ayon sa 2020 BIR data, ang ahensiya ay nakakolekta ng P1.045 trillion sa Income Taxes Returns (ITR), P351.44 billlion sa Value Added Tax (VAT), P317.27 billion sa Excise Tax (ET), P117.16 sa Percentage Tax (PT) at P145.73 billion naman mula sa iba pang uri ng buwis.
Noong nakaraang taxable year 2019, ang BIR ay nakakolekta ng mga sumusunod: P1.155 trillion sa ITR, P406.08 billion sa VAT, P317.27 bilyon sa ET, P118.70 bilyon sa PT at P143.43 bilyon naman sa iba pang uri ng buwis.
vvv
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa drerickcbalane@gmail.com.
649084 540137You designed some decent points there. I looked online for the concern and located most people may go as nicely as utilizing your internet site. 336065
439221 962020Hey there. I want to to ask a bit somethingis this a wordpress web log as we are planning to be transferring more than to WP. Additionally did you make this template all by yourself? Numerous thanks. 906001
893054 816132building websites is not only enjoyable, but it can also generate an income for yourself;; 150214
305330 119147Yay google is my king assisted me to find this outstanding internet site ! . 529756
950096 833819hi and thanks for the actual weblog post ive recently been searching regarding this specific advice on-line for sum hours these days as a result thanks 191542