PUMALO sa kabuuang P97.8 bilyon o 33.56 percent ang nakolektang buwis ni Valenzuela City Revenue District Officer Rufo Ranario para maging ‘overall topnotcher’ ngayong taon sa kabila ng pandemyang dulot ng COVID-19, ayon sa collection performance report ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Finance (DOF).
Pinapurihan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang magandang tax collection performance ng BIR Valenzuela City.
Sinabi ni Mayor Gatchalian na indikasyon ito na unti-unti nang nakakaahon at gumaganda ang negosyo at pananalapi sa siyudad sa muling pagbubukas ng ekonomiya na tanging minimithi ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte.
Nakapagrehistro si RDO Ranario ng P291,550,000,00 – nag-increase ng halos P72,608.35 – kumpara noong 2019 para sa 2020 goal o lumagpas ng halos P97,838.558.12 na katumbas ng 33.56 percent para makuha ang highest points sa overall collections.
Sa statistical collection performance records, lumitaw na simula Enero hanggang ngayong Oktubre, diretsong nakapagtala ng perpektong koleksiyon si RDO Rufo sapul nang umupo bilang chief collector sa Valenzuela City district.
Ayon kay BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay, nakikita niyang unti-unting nakakabawi ang Kawanihan sa halos pitong buwang tinamong shortfall sa pinsalang idinuot ng COVID-19.
Binigyang-diin ni Commissioner Billy na kasabay ng pagsertipika ni Pangulong Duterte bilang ‘urgent’ ang panukalang 2021 P4.5 trillion national budget, tumugon din ang BIR sa sipag at tiyaga sa pagkolekta ng buwis para matugunan ang pangangailangang pananalapi ng sambayanan.
Una nang lumasap ng matinding dagok sa shortfall sa tax collections ang BIR mula buwan ng Marso hanggang Hunyo, subalit unti-unting nakabawi sa pandemyang dulot ng COVID-19 matapos paigtingin ni Commissioner Dulay ang tax campaign para mahabol ang shortfall sa tax collections.
Nagresulta ito sa magandang tax collection performance ng Metro Manila regional at district officers at nahigitan ang iniatang sa kanilang tax collections.
Sinimulan ito ng ekselenteng tax collection performance sa mismong teritoryo ni Presidente Digong sa pagbandera ng tax collections ni Davao City BIR Regional Director Joseph Catapia para makuha ang target tax collection nina Revenue District Officers West Davao City Eddie Castillo; Tagum City, Davao Del Norte Cherry Jaldon; East Davao City Malic Umpar; Mati, Davao City Manuel Delfin at Digos City, Davao Del Sur Mary Ann Cervantes.
Sinundan ito nina Cagayan dr Oro City Regional Director Florante Aninag at kanyang mga Revenue District Officers na sina Gingoog City, Misamis Oriental Judith Pacana; Cagayan De Oro City, Misamis Oriental Gledonio Teofe, Jr.; Malaybalay City, Bukidnon Jonelle Fauna; Osamis City, Misamis Occidental Mampay Pangcoga; Iligan City, Lanao Del Norte Aminoding Macarampat at Marawi City, Lanao Del Sur Monib Dimalomping.
Gayundin nina Tuguegarao BIR Regional Director Josephine Virtucio at kanyang mga RDOs na sina Tuguegarao City Reymarie Dela Cruz, Bayongbong, Nueva Vizca Vivian Tarectecan; Naguilian, Isabela Nasrollah Conding at Cabarroguis, Quirino Maria Isabel Utit.
Ramdam ni Commissioner Dulay ang tagumpay ng BIR tax campaign kasunod ng pagsipa ng tax collections sa area nina LaQueMar at CaBaMiro Regional Directors Ricardo Espiritu at Gerry Dumayas sa pamamagitan nina RDOs Calamba City, Central Laguna Antonio Mangubat, Jr; San Pablo City, East Laguna Alma Celestial Cayabyab; West Laguna, Binan City Timm Renomeron; Lucena City, North Quezon Narciso Lauerta; Gumaca, South Quezon Carlos Slazar; Boac, Marinduque Romana Marietta Belen; Adiongan, Roblon Benjamin Cruz, Jr.; San Jose, Occidental Mindoro Rosalinda Cabidog; Trece Martirez City, East Cavite Gerlo Cacatian; Kawit, West Cavite Danilo Lino; Batangas City, West Batangas Mario Eleda; Lipa City, East Batangas Rosemarie Talaman at Calapan City, Oriental Mindoro Emelita Abo.
Maging si Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III ay nagulat sa ipinamalas na tax collection performance ng BIR sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Secretary Sonny na ang paghataw nang husto ng BIR para mahabol ang tinamong shortfall at malagpasan pa sa kabila ng pendemyang dulot ng COVID-19 ay maituturing na isang malaking himala sa kasaysayan ng tax collections para tapatan ang nakakasang 2021 national budget ng bansa na nagkakahalaga ng P4.5 trillion.
Una nang gumuhit ng kasaysayan sa pagkolekta ng buwis ang Makati City – (B) sa ilalim nina BIR Regional Director Glen Geraldino at Assistant Regional Director Bobby Mailig. Sa buwan pa lamang ng Agosto ngayong taon ay sumobra na ng mahigit P7 bilyon ang nakolektang buwis at posibleng umabot pa ito sa mahigit P20 bilyon bago matapos ang 2020.
Ito’y matapos na manguna sa overall tax collections si Taguig-Pateros Revenue District Officer Ray Anthony Geli, kasunod sina RDOs Rebe De Tablan, ng Paranaque City; Ignacio Camba, ng Muntinlupa City; Renato Mina, ng Pasay City; at Merlyn Vicente, ng Las Pinas City.
Gumawa rin ng kasaysayan para makamit ang tax collection goal ang grupo nina BIR Metro Manila Regional Directors Jethro Sabariaga (City of Manila), Quezon City – (A) Albin Galanza; QC – (B) Romulo Aguila, Jr. at Grace Javier, ng Caloocan City.
Kumpiyansa si Commissioner Dulay na magpapatuloy ang magandang tax collection performance na ipinamamalas ng mga kolektor ng BIR, isang senyales na makakatugon ito sa pasanin ng gobyerno sa tinatayang mahigit na P8 trilyong kabuuang utang panloob at panlabas.
Nasa talaan din ng topnotchers sa pangongolekta ng buwis sina Metro Manila Revenue District Officers Arnold Galapia, ng South QC; Corazon Balinas, ng Cubao; Antonio Ilagan, ng QC-North; Rodel Buenaobra, Deogracias Villar, Jr., Bethsheba Bautista, Vicente Gamad, Jr., Saripuden Bantog, Cynthia Lobo, Elmer Carolino, Jose Edimar Jaen, Miguel Morada, Jr., Teresita Lumayag, Shirley Calapatia, Linda Grace Sagun, Jose Luna, Jose Maria Hernandez, Carolyn Takata at Lorenzo Delos Santos.
Umaasa sina Secretary Dominguez at Commissioner Dulay na sa tuloy-tuloy na pagganda ng tax collection performance ng BIR ay makakamit nila ang inaasam na tax collection goal bago matapos ang fiscal year 2020.
Maging ang Large Taxpayers Service sa ilalim ng pamamahala ni BIR Assistant Commissioner Manuel Mapoy ay may malaking ambag din sa tax collections sa hanay ng mga tinaguriang ‘big-time taxpayers’ sa bansa.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.