NAGDEKLARA ng ‘giyera’ ang Valanzuela Revenue District Office ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa corporate at business taxpayers matapos na madiskubre na karamihan sa mga ito ay nag-file lamang ng tax returns noong June 15, 2020 tax deadline at hindi nagsipagbayad ng buwis sa mga accredited bank at ginamit na dahilan ang COVID-19 pandemic.
Sa kanyang report kay Caloocan City BIR Regional Director Grace Javier, sinabi ni Valenzuela City Revenue District Officer Rufo B. Ranario na isang masusing imbestigasyon ang kanyang iniutos sa mga group supervisor at revenue examiner sa report na nag-file lamang ng tax returns ang karamihan sa mga negosyante at hindi tumupad sa kanilang tax obligations.
“No choice kami kundi magdeklara ng giyera laban sa mga trader sa lantaran sa paglabag sa probisyon ng National Internal Revenue Tax Code (NRTC) at patawan ng 25 percent surcharge, 25 percent penalties at posibleng sampahan ng criminal charge of tax evasion,” paliwanag ni RDO Ranario.
Ang orihinal na tax deadline, ayon sa tax code, ay April 15 kada taon subalit dahil sa pananalasa ng COVID-19 na nagsuspinde sa trabaho ng mga manggagawa at klase sa mga paaralan, pinalawig nina Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III at BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay ang tax deadline noong May, 15 at muling na-extend ng June 15 dahil sa pandemic.
Nadiskubre ni RDO Ranario na ginawa umanong dahilan ng mga negosyante ang health crisis na dulot ng COVID-19 at para makasunod sa kautusan ng BIR ay mag-file lamang ng tax returns, subalit hindi naman nagbayad ng tax obligations.
Nakaapekto sa tax collections ng BIR ang ginawang ito ng mga trader na maaaring magresulta sa pagkabigong makuha ang target tax collection na P2.7 trilyon mula Enero hanggang Disyembre, 2020 para sa taxable year 2019.
Sa sandaling matapos ang tax evaluations at auditing ng talaan ng tax filers sa katatapos na June 15 tax deadline, ihahanda na ng BIR Valenzuela City ang pag-iisyu ng summons at tax assessments sa mga tiwaling taxpayer para mahabol ang buwis na iniwasang bayaran ng mga ito.
Ang ‘benchmark taxation doctrine’ ang nakitang solusyon ng BIR para habulin sa paglabag sa tax code ang mga negosyante.
Ayon sa ‘benchmark taxation doctrine’, ang pinakamainam na paraan para mabayaran ang panlabas na utang ng bansa, maging ang kakapusan sa budget at iba pang malalaking gastusin ng Duterte administration, ay ang paggamit ng ‘benchmark tools taxation’ para mapataas ang tax collections ng Rentas at Aduana, masugpo ang katiwalian at mareporma ang taxation policies sa pagpapaikli ng proseso sa business registration, certificate of registration, authority to print, one time transaction, certificate of exemptions, escholarship, jobs, livelihood, manufacturer, producer, trader importer at maging sa business at individual income.
Nakita ni RDO Ranario ang magandang epekto sa tax collections ng implementasyon ng Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at ng 2nd TRAIN Law (Tax Reform for Attracting Beter and Highly Quality Opportunity bill) na ginamitan ng ‘benchmak’.
Sa ‘benchmarking method’, hindi makalalasap ng shortfall sa collections ang BIR at BOC kung maipatutupad ito nang wasto.
oOo
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].
Comments are closed.