BIRD FLU NATUKOY SA CAMARINES NORTE

INIULAT kahapon ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagkakatuklas ng bird flu sa Talisay, Camarines Norte.

Sa isang statement, sinabi ng BAI na “kinukumpirma nito ang pagkakatuklas sa Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) Type A Subtype H5N2 sa isang duck farm na matatagpuan sa Talisay, Camarines Norte.”

Ayon sa ahensiya, ang positive result ay iniulat noong December 6, 2024 ng Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory (ADDRL), kasunod ng routine surveillance na isinagawa ng Department of Agriculture-Regional Field Office V (DA-RFO V) noong November.

This is the first detection of HPAI H5N2 in the country and the first recorded avian influenza case in the province,” ayon sa BAI.

Kasunod ng kumpirmasyon, sinabi ng ahensiya na kaagad nitong inendorso ang resulta sa DA-RFO V at inirekomenda ang agad na pagpapatupad ng quarantine and biosecurity measures sa mga apektadong farm upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

“The remaining birds are being culled and disposed of to contain the infection,” ayon sa BAI.

“Culling operations are expected to be completed by December 10, with the 1-km zone surveillance concluding on December 11,” dagdag pa nito.

Sinabi ng BAI na isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa upang matunton ang paggalaw ng mga ibon at matukoy ang mga karagdagang panganib.

“The DA RFO-V has activated its Command Center to oversee operations while a coordination meeting was held with the Regional Quick Response Team for Animal Disease and Emergencies (RQRT-ADE) to review protocols in line with the Avian Influenza Protection Program (AIPP),” ayon sa BAI.

“All disease control measures are being coordinated closely with the BAI,” dagdag pa nito.
MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA