NILINAW ni Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry Director Reildrin Morales na Enero pa nagsimula ang outbreak ng bird flu.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Morales na nai-report na rin ito sa World Organization for Animal Health.
“So, the moment po na nag-report tayo niyan, we already reported na meron tayong case, technically ‘yun ay kahit isang kaso lang, outbreak na po ‘yan dahil ang Pilipinas ay avian nfluenza-free , so kahit isang ibon lang ang magkaroon sa atin niyan, magkaroon tayo ng detection confirm sa laboratory, it is considered an outbreak,” ayon kay Morales.
Sa ngayon, mayroon na aniyang 45 kaso ng bird flu sa bansa.
“Nagsimula ito sa Baliuag Bulacan, sa Candava, sa Pampanga at mayroon po tayong kaso sa Nueva Ecija, sa Sultan Kudarat, sa ating pagaaral, ang nakikita natin na pinanggalingan nito ay ang migratory birds,mahigit 60 na ang ibinan natin dahil sa kaso nila ng birdf lu globally, andyan ang kasalukuyang banta ng H5N1.” DWIZ 882