SISIMULAN nang bawiin ng Office of the Solicitor General (OSG) ang mga ari-ariang ilegal na nakuha ng mga dayuhang sangkot sa POGO at kanselahin ang kanilang illegal birth certificates.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na total POGO ban sa bansa.
Aminado naman ang OSG na kailangan nila ng tulong mula sa iba pang ahensiya ng pamahalaan, gayundin ang suporta ng Kongreso sa pamamagitan ng mga batas para mapabilis ang operasyon.
Bagama’t wala pa, anila, silang tiyak na datos kaugnay sa halaga ng nasabing mga ari-arian, unang hakbang nila ay bawiin at kontrolin ang pagpapatakbo sa mga ito. DWIZ 882