BIRTHDAY CAKE NA GAWA SA TIRANG PANDESAL

cake

PARA sa madiskarteng nanay, hindi hadlang na wala kang pera  para magkaroon ng birthday cake sa iyong kaarawan o sa kaarawan ng mga mahal sa buhay.

Ituturo ko po sa inyo ang napakamura at napakasarap na cake na naimbento ko noong panahong naghihirap pa kami ng mga anak ko. Sa kagustuhan kong mabigyan sila  ng cake kahit kapos sa badyet, nakaimbento  ako ng cake na itlog, asukal, pandesal  at cornstarch lang ang sahog, pero pagkasarap-sarap.

Magkakasunod  ang birthday naming mag-iina. February 27, March 7 at March 18. Akin ‘yung huli kaya hindi ko na isini-celebrate yon, pero yung sa mga anak ko, hindi dapat kinakalimutan. Naghahanda kami kahit kalahating kilong pansit lang. Pero hindi complete ang birthday kung walang cake kaya umimbento ako ng mumurahin at masarap na cake para sa kanila. Ang mga kakailanganing sangkap: 6 na pirasong pandesal o slice bread, kung ano man ang meron sa bahay n’yo. Okay lang ang lumang tinapay,  isang sachet ng powdered milk; ¼ kilo ng puting asukal; ¼ cup ng cornstarch, 3 itlog at juice ng 1 kalamansi.  dalawang basong tubig. Puwede ring gawing apple  flavor. Puwede rin ang pinya at orange, pero optional po lahat yon.

Paraan ng paggawa:

Kumuha  ng 4 x 6 inches na hulmahan ng cake (cake molder). Hugasang mabuti at patuyuin. Gumawa ng purong arnibal gamit ang kalahating tasang asukal sa mahinang apoy. Puwedeng lagyan ng dalawang kutsarang tubig ngunit. Isalin ang arnibal sa pinatuyong hulmahan at isantabi muna. Hayaang tumigas habang inihahanda ang cake.

Ihiwalay ang puti ng itlog sa eggyolk at isantabi muna ang yolk. Ibabad ang pinagpira-pirasong pandesal sa isang basong tubig hanggang lumambot, habang tinutunaw sa isang basong tubig ang powdered milk. Kapag malambot na ang tinapay, durugin itong mabuti at itapon ang excess na tubig. Kapag durog na durog na, isama rito ang tinunaw na gatas at isang buong itlog. Batihin hanggang madurog nang husto o puwedeng i-blender.  Ilagay ang kalahating tasang asukal. Habang ginagawa ito, magpakulo na ng tubig para sa steamer.

Kapag durog na durog na ang tinapay, isalin ito sa cake molder na may arnibal. Takpan ng aluminum at pasingawan (steam) ng 10-15 minutes o habang inihahanda ang merengue.

Habang nagpapasingaw, ihanda ang puti ng dalawang itlog. Batihin hanggang maabot ang stiff peak. Unti-unting ihalo ang ¼ cup ng puting asukal at ipagpatuloy ang pagbati. Hanguin ang steamed mixture. Palamigin ng 5 minutes at isalin ang merengue mixture. Muling pasingawan ng 10 minutes.

Habang nagpapasingaw, ihanda na ang egg cream. Batihing mabuti ang egg yolks. Haluan ng ¼ cup na asukal. Haluan ng isang basong tubig, isang sachet ng powdered milk, isang kutsara ng cornstarch at juice ng isang kalamansi. Paghaluing mabuti hanggang wala nang lumps. Salain ng tatlong beses tulad ng ginagawa natin sa leche flan.

Hanguin ang pinasingawang merengue. Palamigin. Kapag malamig na ay luluwag ang merengue sa molder. Habang pinalalamig ang merengue, lutuin sa mahinang apoy ang egg mixture hanggang lumapot. Kapag malapot na, ibuhos ito sa pinalamig na merengue. Palamigin uli ng 5-10 minutes at pagkatapos ay ilagay sa chiller ng 10 minuto. Puwede nang ihain. May birthday cake na tayo.

Costing

Para sa 6 na pirasong pandesal o slice bread, P12. Sa dalawang sachet ng powdered milk; P20. Sa ¼ kilo ng puting asukal; P14 at P5 sa ¼ cup ng cornstarch; P24 sa tatlong itlog at piso sa isang  kalamansi. Lahat-lahat, gumastos tayo ng P75.00 Kung lalagyan po natin ng apple o pineapple, dagdagan po natin ng P25.00 pa kaya abot na ng P100.00 Dagdagan pa natin ng P20 na labor cost at fuel, kaya P120.00.  Yung birthday candles  ay P10 each kaya plus P10. Puwede pong ibenta ang cake na ito ng P250 pataas.

Magkita tayong muli sa mga susunod na labas ng Negosyo online sa Pilipino Mirror. Kung mayroon kayong mga tanong o may recipe kayong gustong ipa-feature, sumulat po lamang sa [email protected]. NENET VILLAFANIA

25 thoughts on “BIRTHDAY CAKE NA GAWA SA TIRANG PANDESAL”

  1. 968290 99507After examine a couple of with the weblog posts inside your internet site now, and I truly like your manner of blogging. I bookmarked it to my bookmark site list and might be checking back soon. Pls take a look at my site as effectively and let me know what you feel. 193032

  2. 515730 877680Spot on with this write-up, I truly believe this website needs a lot a lot more consideration. Ill probably be once more to read much more, thanks for that information. 94655

Comments are closed.