LIKAS ang pagmamahal ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ordinaryong mamamayan. Halata ‘yan sa kanyang mga public speech at appearance kung saan halos hindi niya matapos-tapos ang pakikipagniig sa ating mga kababayan.
Ang talagang tinik sa lalamunan ni Presidente Duterte ay ang ilan sa mga opisyal ng burukrasya na aminado naman siyang totoong kalaban ng taumbayan. Ang masakit nga lamang mismong miyembro ng gabinete niya ang mistulang nanggugupo sa mga mamamayang minamahal niya lalo ngayong panahon ng national health emergency.
Sa hindi malamang dahilan kahit pa nga aprubado ng Food and Drug Administration at Center for Disease Control ng maraming bansa katulad ng Estados Unidos, South Korea, Australia, Tsina, Russia, United Kingdom, Indonesia at maging ng buong Europa, nakapagtatakang nagpapakalat ng fake news sina Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque, DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire at FDA chief Usec. Eric Domingo na ang rapid Covid-19 test kit na ginagamit ng mga nasabing bansa at kontinente sa pagsabak at paglaban sa Covid-19 pandemic ay hindi umano epektibo.
Sa UK ay gagamitin pa nga ang rapid Covid-19 test kit na self-administered testing ng Covid-19 sa mga bahay-bahay. Ang sa atin ay ideal magamit ng mga barangay health worker bilang mga frontliner din sa national health crisis na ito lalo na sa mga baran-gay na nasa ilalim ng extreme community quarantine.
Ano nga ba meron Duque at ipinipilit mong tanging ang PRC (polymerase chain reaction) method ang dapat gamitin sa pag-test ng Covid-19? Bakit mo pinapakalat na hindi effective ang rapid Covid-19 test na aprubado at ginagamit ng iba’t ibang bansa na napagtatagumpayan na ang laban sa Covid-19? Bakit ka nagsisinungaling? Bakit mo din pinalalabas na lima na ang laboratoryong nagpo-process ng PRC testing na isinasagawa ninyo samantalang tanging ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) lamang ang gumagana? Alam din ba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nag-i-incinerate kayo riyan sa RITM? Alam ba ng DENR na nilalabag ninyo ang Clean Air Act at mismong mga guwardiya at mga staff at mga bisita ninyo sa RITM ay nalalason sa hangin diyan?
Ano nga ba meron Usec. Vergeire at ganado kang magpakalat ng fake news? Sumusunod ka lamang ba sa utos? Ikaw Usec. Domingo, nakikiramay ako sa nangyari sa anak mong nagpatiwakal noong isang taon dahil sa involvement niya sa frat hazing sa University of the Philippines na ikinamatay ng isang estudyante, kaya kinukwestyon ko na ngayon ang iyong psychological fitness sa krisis na ito kung saan maraming mga Filipino ang nangangamatay dahil sa paralysis ng iyong ahensiya sa pag-apruba ng mga exemption ng mga rapid-test kit at pabago-bagong guidelines para sa pagproseso sa mga ito. Handa ka ba psychologically sa na-tional health emergency na ito? Maging tapat ka sana sa sarili mo!
Nagkakamatayan ang mga frontliner at daan-daang frontliner na ang mga naka-quarantine, mahiya naman kayo sa inaction ninyo ukol sa mass testing. Masipag lang kayong magkalat ng fake news! Subukan ninyong ituloy ‘yang mga kalokohan ninyo at kai-nutilan ninyo at sinisigurado kong sasambulat ang poot ng taumbayan sa bawat isa sa inyo.
Mahal naming Pangulong Duterte, ipinagdarasal po namin kayo lalo sa araw ng inyong kaarawan na nawa’y panatilihing ligtas kayo at buksan ang inyong mga mata na hindi po ninyo kailangan ng mga katulad ng mga inutil na gabinete sa paligid ninyo.
Inutil na sistema sa pambihirang panahon na ito kung kailan bawat minutong lumilipas ay mga buhay ng mga minamahal po ninyong mga kababayan ang walang kalaban-labang nalalagas.
Comments are closed.