BISE ALKALDE SA CAMSUR LIGTAS, DATING ALKALDE NAPURUHAN

CAMSUR

LIGTAS ang bise alkalde ng Milaor, Camarines Sur habang nasawi ang dating mayor nang maaksidente ang mga ito kahapon ng madaling araw sa bayan ng Ragay.

Pauwi mula sa Metro Manila ang biktimang si dating Mayor Andre Hidalgo kasama sina dating Vice Mayor Roberto Cano, at incumbent Vice Mayor Senen Bermas kasama ang dalawang body guard at isang driver, nang maaksidente sa F. Simeon, Ragay sa parehong lalawigan.

Sinabi ni Cano na halos zero visibility na sa lugar dahil sa lakas ng ulan na naging daan para mawalan ng kontrol sa sasakyan ang driver hanggang sa bumangga sila sa steel barrier at bumulusok pa sa pababang bahagi ng kalsada ang sasakyan.

Napuruhan sa insidente si Hidalgo habang sugatan sina Bermas at minor injury naman ang tinamo ni Cano at ng isang body guard.

Ayon kay Cano, halos mag-iisang oras pa silang naghintay sa lugar bago dumating ang rescue team.

Inakala nilang naipit lamang ang mga paa ni Hidalgo sa sasakyan ngunit hindi nila inaasahan na malala pala ang naging tama nito sa katawan na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Si Hidalgo ay tatakbo sana bilang municipal councilor habang vice mayor naman si Bermas sa darating na 2019 midterm elections. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.