BISHOPS UMAPELA SA WINNERS

Jose Colin Bagaforo

UMAAPELA ang isang Catholic bishop sa mga nanalong kandidato sa May 13 midterm elections na isabuhay ang katapatan at integridad sa kanilang pamumuno.

Pinaalalahanan din naman ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo  ang mga mamamayan na maging mapagbantay sa pangakong pagbabago ng mga nahalal.

“Honesty and integrity. Sana lahat ng  winning candidates isabuhay ito,” pahayag pa ni Bagaforo, sa panayam ng church-run Radio Veritas. “Sa taumbayan to constantly remind our political leaders on their promised plataporma.”

Samantala, umapela rin naman siya sa publiko na patuloy na mana­langin para sa kaliwanagan ng lahat at gabay sa mga nanalong kandidato.

“Let us continue to pray for God’s enlightenment and guidance for all winners,” anang obispo.

Umaasa  si Bagaforo na ngayong tapos na ang halalan ay muling magbubuklod  at matutuldukan na ang pagkakawatak-watak na dulot ng eleksiyon.

Ayon sa obispo, hindi dapat na masira ng natapos na botohan ang mga personal na ugnayan sa kapwa.

“Let us all move on, sana ang halalan ay huwag magsira ng ating personal relationships with one another. Peace is attainable when we are all friends,” panawagan pa niya.

Binigyang-diin ni Bagaforo na makakamit ang kapayapaan kung magkakasundo-sundo ang lahat sa kabila ng magkakaibang pina­nigang grupo at kandidato ngayong halalan.

Comments are closed.