BISPERAS NG KASAL DINILIG NG DUGO

binaril

APAYAO – HANGGANG kasalukuyan ay tinutugis pa rin ng awtoridad ang suspek sa pamamaril sa isang lalaki sa Poblacion, Flora.

Ayon kay Police Col. Cezar Tannagan, Provincial Director ng Apayao PNP, batay sa kanilang imbestigasyon, may inuman sa isang bahay sa Poblacion West, Flora dahil sa bisperas ng kasal.

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa sa mga nag-iinuman na sina Ronald Busay, 42 at Silverio Juan, retired personnel ng Bureau of Fire Protection.

Dito na umano binaril ni Juan si Busay na tinamaan sa kanang pis­ngi na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sinabi pa ni Tannagan na dati na umanong may alitan ang dalawa na naungkat habang sila ay nag-iinuman

Dahil dito, itinigil ang kasiyahan kagabi ng mga iba pang mga bisita.

Sa kabila nito ay itinuloy pa rin ang kasal. REY VELASCO

Comments are closed.