BISPERAS NG UNDAS ‘MAALIWALAS’

Gen Oscar Albayalde

CAMP CRAME – IKINAGALAK ni Philippine National Police (PNP) Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde ang resulta ng kanilang ocular inspections kahapon kung saan wala namang mala­king  bilang na nadakip o sumuway sa kanilang bilin.

Masasabing isolated case lamang ang pagkasabat sa bala sa isang lalaki sa bus terminal sa Araneta Center, Cubao habang wala ring nakuhanan ng delikadong armas gaya ng baril gayundin sa droga.

“Wala tayong nakuhang report whatsoever nationwide of any untoward incident except dito lang sa may nakuhang mangilan-ngilang pirasong bala kaninang umaga,” ayon kay Albayalde.

Sa paglilibot ni NCRPO Director Guil­lermo Eleazar sa mga sementeryo, pawang sumunod din ang mga naka-deploy na pulis na nagpatupad ng kahigpitan laban sa mga kontrabando.

“So far okay naman ang ating mga pulis, stakeholders, force multipliers, ay nandito lahat pati ‘yung mga volunteer, at so far, maayos naman,” dagdag pa ng PNP chief.

Panawagan pa ni Albayalde sa publiko na hayaan na gawin ng mga pulis ang kanilang mandato tulad ng pagiging mabusisi sa mga dalang gamit na magtutungo sa sementeryo.

Kabilang sa ipinagbabawal ay mga armas gaya ng baril, iba’t ibang uri ng patalim, alak, baraha at mga sound system.

Aniya, makabubu­ting alalahanin nang seryoso ang mga suma­kabilang buhay na mga mahal habang huwag basta maniwala sa mga naglilibot na pari.

Dagdag pa ni Alba­yalde na wala silang report na mayroong threat subalit mananatili silang mapagbantay.

Unang iniulat na halos 4,000 na pulis ang ide-deploy sa Metro Manila habang mahigit 32,000 pulis ang ikakalat sa buong bansa para matiyak ang seguridad, kasama ang militar, LGUs at iba pang force multipliers.

Maituturing ding generally peaceful ang bisperas ng ­Undas at ngayong araw ay ­inaasahang daragsa pa ang mga magtutungo sa sementeryo.

Sa mga bibiyahe naman patungong probinsiya, tiyaking ligtas ang iiwang tahanan habang ang mga may ­sasakyan ay dapat maging handa upang makaiwas sa anumang disgrasya. EUNICE C.