BISTEK PAHINGA MUNA SA POLITIKA, TUTOK SA MGA ANAK AT PAGGAWA NG PELIKULA

Herbert Bautista

TILA si Quezon City 4th District Councilor Hero Bautista na ang susunod sa yapakhotshots ng kanyang kuya na si QC Mayor Herbert Bautista dahil sina Harlene at Hero lang ang dumalo sa pa-birthday lunch treat para sa entertainment press na taon-taon na nakaugalian nang ginagawa ni Mayor Herbert.

Ang magkapatid na sina Harlene at Hero ang nag-entertain sa press at nakipag-photo op sa mga birthday press who were born from the month of January to June.

Inamin naman ni Councilor Hero na gusto talaga niyang sundan ang yapak ng kuya niyang si Bistek kung pag-uusapan ang pagiging public servant.

“Ang akin pong dedikasyon sa trabaho sa public service po ay namana po namin sa aming ama, kay Papa Mayor Butch Bautista at siyempre po, I`m following the footsteps of my brother na si Mayor Herbert dahil ang serbisyo-publiko po ay nakalakihan namin,” say ni Hero.

“Doon na po kami namulat at siyempre sa entertainment world, magkakasama tayo,” patuloy pa ni Hero.

Dahil nasa ikatlong termino na ni Mayor Bistek ay pahinga raw muna ito sa politika at hindi na tumakbo pa sa kahit anong posisyon ngayong election.

Sabi  ni Harlene, si Bistek daw ay nakatutok ngayon sa kanyang mga anak dahil malalaki na ang mga ito.

“Hindi naman ibig sabihin, nu’ng lumalaki sila (ang mga anak ni Bistek) pinabayaan niya. He was never like that. Sa ngayon, gusto lang niya to spend more time since he started in public service since he was 15 years old.

“So, 35 to 36 years (of being a public servant), siguro, okay lang naman na magpahinga siya, to take a break, and kasi, hindi na rin tayo bumabata, hindi na rin siya bumabata.

“So, hangga`t  may mga bagay, activities na puwede niyang magawa  with the kids, eh ‘di think, this is the right time, “ say ni  Harlene.

Gusto rin daw ni Bistek na bukod sa pagtutok sa mga anak, asikasuhin ang kanilang production na Heaven`s Best na siyang nag-produce ng Rainbow Sunset na humahakot ng award here and abroad. At babalikan din daw ang pag-aartista or kaya ay magdirek ng pelikula.

Sabi naman ni Hero, kahit daw nasa “break” ang kuya niya ay sinusuportahan pa rin naman daw nito ang kanyang kandidatura.

“He still supports me in the sense na binubulong  niya ako sa mga kaibigan sa Kwatro and ‘yung first rally namin, in-endorse niya si Mam Joy (Belmonte), lahat kami, buong team ng Team Joy, from District 1 to 6, eh, inindorso naman niyang lahat,” say ni Hero.

Pahabol naman ni Harlene na possible raw na magsasama-sama silang magkakapatid sa isang pelikula, pero hindi pa muna nila ito napag-uusapan dahil naka-focus muna sina Harlene at Bistek sa pagtulong kay Hero na muling mahalal na konsehal ng 4th district ng Kyusi.

Napag-usapan din ng magkakapatid, to put  up another film festival para lalong makatulong sa local movie industry.

Sa ngayon ay tinatapos ng Heaven`s Best Production ang pelikulang In The Name of thy Mother na pinagbibidahan ni Snooky Serna at ilalahok nila sa Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines.

DANIEL FERNANDO ITINAYO ANG BANDILA NG MGA ARTISTA BILANG PUBLIC SERVANT

SA outing  ng PMPC  sa Bulucan ay ginulat at sinorpresa kami ni Vice Governor DANIEL FERNANDODaniel Fernando para dalawin at nagkaroon tuloy kami ng pagkakataon na tanungin o hingan ng reaksyon sa mga ibinatong nega ng mga kalaban, lalo na sa kanilang mga artista na tumatakbo o nahalal na.

Nandoon binatikos sila na walang alam sa pagli­lingkod dahil sila ay mga artista lang at walang alam sa paglilingkod bilang public servant.

At tulad niya na nanunungkulang bilang Vice Governor ay binabatikos pa ring kalaban at tila hindi matanggap na mula sa pagiging konsehal at ngayon ay tumatakbong Governor ng Bulacan ay kinukutya pa rin.

Ayon kay Vice Gob Daniel, noong una ay tahimik lang siya kapag nakakarinig ng  paninira at pangungutya. Ngayon ay hindi na siya pumapayag na tumahimik lang lang kapag nakakarinig ng batikos.

Nasabi nga niya noong nagsisimula siya na, “Bukas luluhod ang mga tala” na kanya naman napatunayan dahil marami na siyang nagawa sa Bulacan at mahal na mahal ng mga constituent sa Bulacan.

Dahil sa nakatutok sa pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Bulacan ay maraming pagkakataon na tinanggihan niya ang mga movie at TV offer para hindi mapabayaan ang kanyang panunungkulan bilang public servant.

Sa totoo lang ay gustong-gusto niya makagawa ng kahit isang pelikula sa isang taon at serye na markado. ‘Yung role nga raw ni Tirso Cruz sa The General`s  Daughter ay sa kanyang ini-offer.

Sana raw ay makagawa siya ng serye or movie at kapag nagkaroon ng offer ay sisigurihin niya na markado ang character or role at hindi ‘yung special participation lang.

Pero mas priority niya ay paglilingkod muna sa kanyang mga constituent sa Bulacan. Una ang Bulacan bago ang serye or movie.