(Part 3)
Celebrating 20 years of TUKAAN on TV
NOONG araw ang sabong ay tuwing Linggo lamang, ito ang parating sinasabi ng ating mga lolo, tiyo at mga beteranong sabungero.
Nakagugulat talaga ang mabilis na paglago ng sabong sa ating bansa dahil na rin sa napakalaking tulong ng media, tulad ng TUKAAN. ang TV show na ito sa panahong ‘di pa gaano kasikat ang sabong noong taong 1998. Sa masidhing paniniwala ni EMOY GORGONIA, unti-unting iminulat ang kamalayan ng BAYANG SABUNGERO sa natural na hilig sa sabong.
Naging instant hit ang show na ito subalit dumaan din sa napakaraming pagsubok tulad ng lahat ng nagsisimula pa. Dito nakita ni Emoy, kasama ang kanyang maybahay na si Mayette Gorgonia, na may magandang patutunguhan ang sabong kung ito ay mabibigyan ng tamang exposure at makatulong ibalita ang mga tamang pamamaraan ng pagpapalahi, pagpapalaki at paghahanda ng mga manok panabong. Tunay na ang sabong noon ay isang dibersiyon o bisyo ng maraming Filipino subalit sa ngayon ay hindi na lamang ito isang hobby kundi isang makabuluhang paraan upang kumita sa malinis at maayos na pamamaraan.
Sa paglago ng sabong ay patuloy na dumarami ang nagtatayo ng mga sabungan sa lahat ng sulok ng bansa. At sa bawat pagtatag ng mga sabungan ay dala nito ang mga tao na magtatrabaho sa loob ng sabungan bilang mga MANANARI, TAGAPUSTA o KRISTO, MANGGAGAMOT, KASADOR at marami pang iba.
Sa dami ng mga sabungang akala mo ay mga kabuteng nagsulputan ay sumabay na rin ang pagiging malikhain ng mga nagpapasabong sa iba’t ibang klaseng palaban upang maengganyo ang mga sabungero na maglaban nang maglaban ‘di lang tuwing Linggo kundi araw-araw na.
Napakalaki ng kontribusyon ng TUKAAN sa paglago ng industriya, alam naman natin na ito ang kauna-unahang TV SHOW TUNGKOL SA SABONG na sinimulan bilang host ni BOY DIAZ at ng mga kinikilalang beauty queens tulad nila RUFFA MAE QUINTO, JOSEPHINE CANONIZADO, MIKEY FERIOLS at marami pang iba.
Kung ating susuriin ang pagkakabuo ng TUKAAN ay dahil na rin sa hilig o bisyo ni Emoy sa sabong na tuluyan nang GINAWANG NEGOSYO. Ngayon ay napakalayo na ng narating ng TUKAAN, hindi lamang sila ang kauna-unahang TV SHOW SA SABONG kundi ang TUKAAN ang nagbukas ng pinto upang maraming producer ng TV shows ay sumabay na rin sa napakagandang nangyayari sa industriya. Unti-unting umusbong ang mga TV show na patungkol sa sabong tulad ng Sagupaan, Sabong TV, Sabong nation, Sabong Pilipinas, Salpukan, Bakbakan na at mga produksiyon ng inyong lingkod sa PIT GAMES MEDIA tulad ng RATED EXCELLENCE, CHAMPIONS OF EXCELLENCE, LEGENDS OF THE PIT, AMERICAN BREEDER TOUR at iba pa. Ang lahat po ng ito ay mapapanood sa PINOY XTREME Channel at ang iba naman po ay sa Channel 2, 5 and 13.
Marami po akong ibabahaging magagandang istorya na naging matagumpay nang ginawa nilang negosyo ang kanilang bisyo.
Comments are closed.