GOOD day mga kapasada!
Isang matalik na kaibigang malaon nang nawalay sa talaan ng mga naging kapalagayang loob ang biglang nagpadala ng message.
Ang buong akala ko ay tuluyan nang nalusaw sa kawalan ang aming matagal na pinagsamahan hanggang nitong nakaraang mga araw ay nabasa ko sa aking Facebook Account ang pangalang MART.
Noong una ay hindi ko pinaggugulan ng pansin ang naturang pangalan. Nasabi ko na lamang sa sarili na nagkamali ng send marahil.
Makaraan ang isang linggo, muling lumitaw ang pangalang MART. Sa kanyang PM, dama ko na punong-puno ng hinanakit ang kanyang isang tala-tang message. “Iba ka na ngayon fren. Ako si Mart, ‘yung malimit mong sangguniin kapag nag-aalburoto ang iyong owner jeep noon. Taga Dongalo, Parañaque City.
Sa totoo lang, may memory gap na ako. Pati ang aking malalapit na kamag-anak ay limot ko na ang mga pangalan. Ngunit hindi ibig sabihin ay hindi ko pinahahalagahan ang aming relasyon.
“Mart, ang tanging maipararating ko sa iyo ay ang maikiling PM, I’m sorry. Alam mo na ang aking dahilan.”
Mga kapasada, si Mart ay isang qualified mechanic na lagi kong kasangguni tuwing magkakaroon ng problema ang aking owner jeep. At heto na naman tayo, sa katauhan ni Mart, bilang kasangguni ay maihahanap natin ng kalutasan ang problema ng isa nating kapasada.
Heto ang problemang idinulog sa Patnubay ng Drayber ni Dionito, driver ng RTMM Construction, 330 Tindalo St., Dona Rosario Heights, Muntinlupa City.
“Sir, nagkaroon po ng crack ang engine block ng minamaneho kong SUV na panghatid ng mga trabahante ng RTMM Construction Company. Ano po ba ang maipapayo ninyo para sa problemang ito ng aking minamanehong sasakyan. Salamat sir.” -Dionito.
PAANO AAYUSIN ANG CRACK NG ENGINE BLOCK
Mga kapasada, ano ba ang engine block? Ayon kay Mart na isa sa mga hinahangaan kong mechanic, ang engine block is the sealed heart of your car o makina ng sasakyan na siyang pinakaimportanteng component tulad ng:
- cylinder at
- cylinder head
Sa litanya ni Mart, ang engine block ay made of cast iron or aluminum.
Ang mga bahagi or engine parts in your engine block can develop a crack and damage overtime.
Gayunpaman, samantalang maaari namang remedyuhan ang nagkalamat ninyong engine block, nilinaw ng kasangguning si Mart, lubha namang ma-halaga na inyong pag-aralang mabuti ang damage at ang halaga ng magagastos kung ito ay idaraan sa pagpapa-repair o kung ito ay dapat palitan ng ba-gong block ang engine.
Kung ipare-repair, narito ang mga kailangang ihanda:
- engine block epoxy
- engie block sealant
- gloves at
- sand paper (papel de liha)
MGA NARARAPAT GAWIN:
Step I:
- Palamigin muna ang makina kung it was recently on.
- Suriin ang damage ng engine block.
- Kung ang damage ay internal, kailangang gumamit ng internal sealant.
- Kung ang damage ay nabasa ang surface tulad ng crack or gap na mapapansin mo sa engine, kakailanganin mo na gumagamit ng filter epoxy.
STEP II:
- Gumamit ng epoxy para tapalan ang lamat (crack).
- Samantalang nakasuot ng glove, patsihan ang lamat o puwang sa pamamagitan ng epoxy ayon sa instruction na nakasulat sa kahon nito.
- Ang karaniwang epoxy tulad ng popular na JB weld ay karaniwang nakalagay sa tube-base at hardener.
- Pastahan ang lamat sa pamamagitan ng base at pagkatapos ihalo ito sa hardener at hayaang tumigas gaya ng isinasaad sa instruction na nakasulat sa pakete; at
- Pagkatapos na tumigas ang epoxy at natapos ang pagpapasta sa nagkalamat na bahagi ng engine block, lihain ito at tiyaking natakpan ang lamat at hindi na ito sisingaw.
Step III:
- Gumamit ng internal engine block sealant.
- Palamigin ang makina o engine at pagkatapos ay buksan ang hood at alisin ang radiator cap.
- Buhusan ng inirerekomendang dami ng engine block sealant sa radiator base sa engine size at pagkatapos ay takpan uli ng mahigpit ang radiator cap.
- Turn on the heater and fan to the maximum at pagkatapos ay paandarin ang makina.
- Paandarin ang engine at 1,000 rpm sa loob ng 60 minuto at pagkatapos ay patayin ang engine at hintaying lumamig at pagkatapos ay:
- Salinan ng tubig at anti-freeze ang radiator.
PARAAN NG PAGGAMIT NG JB WELD
Ang JB weld is made up of a resin and hardener. Kapag pinaghalo ang resin at hardener, nagiging sealant ito na maaaring ipasta sa nagkalamat na bahagi ng engine at kapag tumigas at naliha ang bahaging nilagyan ng sealant ay mauuwi sa orihinal na kondisyon.
Sa sandaling tumigas ang pinaghalong resin at hardener at nagsimula itong tumigas sa loob ng lamat, ang epoxy ay nagiging solid sa loob at paligid ng damage area.
- MGA GAMIT NA KAILANGAN:
- Wire brush
- Malinis na basahan (rag)
- Rubbing alcohol
- JB Weld epoxy kit
- Small metal crapper
- PROCEDURE (PARAAN NG PAGGAMIT)
Narito ang ilang payo ng kasangguni:
- Iparada ang sasakyan sa isang patag na pook at gamitin ang parking handbrake.
- Patayin ang makina at palipasin ang isang oras upang lumamig.
- Buksan ang hood and lock it in place.
- Hanapin ang crack (lamat) ng engine block.
- Gumamit ng steel brush at kaskasin ang kalawang o pintura sa paligid ng lamat.
- Tiyakin na na-brush ang isa hanggang dalawang pulgada sa paligid ng lamat.
- Punasang mabuti ng malinis na basahan para matanggal ang pintura, kalawang at alikabok sa surface ng lamat.
- Kapag malinis na, basain ang malinis na basahan ng alcohol at ipunas sa crack area at hintaying matuyo.
- Buksan ang JB Weld epoxy kit and remove the hardener tube and the resin tube, then turn the epoxy box cover and quirt ½ of the tube. On top of the resin, gumamit ng stir stick at haluin ang hardener at resin hanggang ang epoxy ay maging magkapareho ang kulay.
- Itapal ang epoxy sa lamat at palisin ito sa pamamagitan ng metal scraper upang pumasok at matapalan ang lamat.
- Patuyuin ang JV Weld sa loob ng magdamag upang tumigas at mawala ang tagas.
- Suriin kinabukasan kung matigas na ang epoxy sa paligid ng lamat at
- Paandarin ang makina at tingnan kung ayos ang pagkakahinang ng epoxy at pagkatapos ay patayin at palamigin ang makina.
Upang makatiyak na mahigpit ang pagkakasilyado ng lamat, patakbuhin ng ilang oras ang sasakyan at pagkatapos ay igarahe at siyasatin kung may-roon itong tagas sa senilyuhang lamat.
Kung wala nang makitang tagas, then the job is done and you save money from changing the block.
Mang Dionito, sana po, nabigyan kayo ng malawak na pananaw sa inyong isinangguning problema ng inyong minamanehong service SUV ng kompanyang inyong pinagtatrabahuhan. Likewise, sa ating kasangguni, MART maraming salamat.
LTO NG LAS PIÑAS BUKAS NA SA PAGREREHISTRO NG BAGONG SASAKYAN
Inihayag kamakailan ng LTO na ang mga car owner ng bagong sasakyan ay puwede nang magparehisto ngayon sa LTO-Las Piñas District Ofice.
Ayon kay Atty. Clarence Guinto, Director ng LTO National Capital Region West, matapos muling officially activated by Assistant Secretary and LTO Chief Edgar Galvante ang processing of registration of new cars and motorcycles sa LTO-LPDO.
Itong ganitong hakbang ay ginawa ng LTO base sa kahingian ng Republic Act 11032 na magsisilbing daan na mapadali ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan gaya ng nakatadhana sa Delivery Act of 2018.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.