BITAMINA PARA MABAWASAN ANG SENYALES NG PAGTANDA

AGING

(ni  CYRILL QUILO)

LIFE BEGINS at 40. Sa ganitong edad ay makikita o naglalabasan ang mga senyales ng pagtanda gayundin ang pagbabago ng katawan. Dito ay mapapansin ang mga linya o wrinkles sa mukha, leeg at pati sa mga kamay o ibang parte ng katawan.

Ang “age spots” o “sun spots” ay sanhi ng sobrang pagkababad sa araw. Lalong-lalo na kapag summer. Kaya’t napakahalagang naiingatan natin ang ating balat upang hindi mauwi sa skin cancer.

May mga bagay na maaaring makatulong para mabawasan ang age spots o senyales ng pagtanda tulad ng mga pagkain o vita-mins na maaaring makatulong.

Narito ang ilang vitamins na kailangan ng katawan upang maiwasan ang senyales ng pagtanda at iba’t ibang sakit sa balat:

RETIN-A O VITAMIN A

Ang Retin-A ang gumagamot sa acne o pimple. Nakatutulong din ito upang mawala ang wrinkles, blemishes at age spots.

Ayon kay Albert Kligman M.D, Ph.D isang Professor ng Dermatology sa University of Pensylvannia School of Medicine, may tips para mawala ang “age spots”.

Una, kailangag malakas o mataas ang dosage ng Retin-A na direktang ilalagay mismo sa spot o apektadong balat. Ilagay ito para magbalat ang apektadong balat at matapos ang ilang buwan ay mawawala na ito ng kusa.

Ayon din sa isang pag-aaral sa University of Michigan Medical Center, ang resulta ng 10 buwang pag-aaral sa 58 katao na may-roong age spots, halos karamihan ay gumaling sa Retin-A. May ilan ding nag-lighten o bahagyang nawala ang spots nang gamitan ng Retin-A sa loob ng isang buwan.

Sabi naman ng isang doktor na si John F. Ro­mani, M.D Clinical Assistant Professor ng Dermatology sa New York, mas kailangang maglagay ng Glycolic Acid sa umaga at Retin-A sa gabi o kaya ay maaari ring ihalo sa bleaching cream. Mas mabuti ring kumonsulta sa doktor para sa tamang dosage o tamang gamot na maa­aring gamitin.

Tandaan: May side effect ang Retin-A. Magiging dry ang balat kaya kailangang maglagay ng moisturizer at sunscreen bilang proteksiyon.

Mainam din ang pagkain ng mga pagkaing mataas ang taglay na Vitamin A gaya ng ka­matis. Bukod sa Vitamin A na taglay ng kamatis, mayroon din itong Vitamin C na nakatutulong upang malabanan ang free radicals at nagiging daan upang mag-produce ng mas maraming collagen.

Idagdag pa ang lycopene na taglay ng kamatis at beta-carotene na pumoprotekta sa balat laban sa free radicals mula sa araw na nagiging dahilan ng dark sunspots.

VITAMIN C

Kailangan din ng ­ating katawan ng Vitamin C. Kung ang Vitamin D ay bitamina na galing sa sikat ng araw, ang Vitamin C na-man ay sunblock. Ito rin ang pinaka-healthy na skin Vitamin. Ito rin ang “nakapagpapabata” sa ating balat. Ayon kay Lorraine Meisner, Ph.D., Professor of Preventive Medicine sa University of Wisconsin Medical School sa Madison, nirerekomenda nito ang pag-inom ng 300-500mg ng Vitamin C sa araw-araw para mapanatili ang magandang balat.

Ang Vitamin C din ang pumoprotekta sa radical damage o sobrang exposure sa araw. Isa rin itong antioxidants o neutralizer pa-ra sa free radicals. Nakawawala rin ito ng wrinkles o kulubot sa balat.

Bukod sa ating iniinom na Vitamin C, dapat ay gumagamit din tayo ng lotion o produktong may sangkap na bitamina C.

Ilan naman sa mga pagkaing mayaman sa vitamin C ang broccoli, kiwi, honeydew melon at pineapple.

VITAMIN E

Ang Vitamin E ay isa ring antioxidant. Ang iba nito ay inihahalo sa nail polish remover at shampoo.

Ayon sa pagsasaliksik, ang Vitamin E oil ay nakatutulong upang maibsan ang inflammation at skin damage. I-apply lang ang Vitamin E sa balat bago ang sun exposure.

TIP: Ang Vitamin E oil at cream ay mabibili over the counter sa drugstores. Kailangan lang atleast may 5% Vitamin E ang isang produkto para mas maging epektibo at makabawas sa sun damage.

Para protektahan din ang balat sa sobrang exposure sa araw, maaaring uminom ng mga supplement na Vitamin E na 400mg at may D-alpha-tocopherol sa araw-araw.

Maaari ring kumain ng mga pagkain o may sangkap na mayaman sa Vitamin E tulad ng vege­table oil, wheat germ, spinach at sunflower seeds.

(photos mula sa healthline.com at bonnieplants.com)