UMAABOT sa 82.9 milyong dolyar ang halaga ng investment deals na iuuwi ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang apat na araw na official visit sa Israel na inaasahang makalilikha ng halos 800 trabaho para sa mga Pinoy.
Ito ay makaraang magpahayag ng interes ang 22 kompanya sa Israel na maglagak ng pagnenegosyo sa bansa.
Kabilang sa mga nilagdaang kasunduan ng Filipinas at Israel ang tatlong Memorandum of Agreements (MOA), 11 memorandum of understanding (MOU) at pitong letters of intent (LOI)
Ang mga naturang investment commitments ay may kinalaman sa shipping, information technology, arms manufacturing, tourism development at food distribution.
Ang mga nilagdaang kasunduan ay kinabilalangan ng MOA sa pagitan ng Century Properties, Inc. at Globe Invest Ltd.; Stone of David Corporation at Gaia Automotive Industries; Century Pacific Food, Inc. at Kvuzat Yavne; Integrated Computer Systems, Inc. at Verint Systems Ltd.; Philippine Center for Entrepreneurship (PCE) -7Go Negosyo at Israel-Philippines Chamber of Commerce/Israel Chamber of Commerce; Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at sa Federation of Israeli Chambers of Commerce; PCCI-National Capital Region at Jerusalem Chamber of Commerce (JCC); Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Eilat Port Company Ltd.; AMA Education Systems (AMAES) at HackerU.
Nagkasundo rin ang dalawang bansa na magtayo ng state of the art medical center sa Cagayan Special Economic Zone and Freeport para sa pangangailangang medikal sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) at pagtataguyod ng Foodtech Acceleration Center sa (CSEZFP) upang maserbisyuhan ang mga food industry locator na nagkahalaga ng isang milyong dolyar. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.