(Biyahe mula La Union hanggang) Baguio City pinag-aaralan CABLE CAR EXPERTS DARATING SA BANSA

Cable car

KINUMPIRMA ng Department of Transportation (DOTr) na nakatakdang duma­ting sa bansa ang mga consultant mula sa France upang magsagawa ng feasibility study kaugnay sa pinaplanong pagkakaroon ng cable car system mula La Union patungong Baguio City.

Ayon sa DOTr spokesperson Goddes Libiran, anumang araw ngayong linggo ay posibleng dumating na ang nasabing mga consultant na titingin sa lugar.

Layon ng naturang hakbang na padaliin ang biyahe na papuntang Baguio City bunsod ng tumitin­ding trapik patungo sa Summer Capital.

Matatandaan, noong Nobyembre 2018 nang aprubahan ng French Government ang feasibility study sa pagkakaroon ng cable car system sa Pilipinas.

Nauna nang sinabihan ng DOTr ang city government ng Baguio na maglagay sila ng cable car system mula La Union at Baguio. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.