NA-DELAY ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungong South Cotabato nang magkaaberya sa ere ang sinasakayan nitong G280 twin-engine business jet at magpasya ang piloto na ibalik ito sa base para masuri.
Sa inilabas na statement ng Philippine Air Force, “The G280 command and control aircraft that flew this morning with the President onboard had to return to base a few minutes after takeoff due to a minor technical issue on the aircraft’s flaps operations.”
“ It is nothing serious, but since the PAF maintains the highest standards of flight safety, the pilots decided to do a precautionary return to base and have the aircraft thoroughly checked. There was a ready backup aircraft, which is a C295, and so the presidential movement was resumed immediately,” sa ibinahaging statement ni Col Ma Consuelo Castillo, PAF Spokesperson.
Dahil dito, nagkaroon ng delay sa biyahe ng pangulo at kinailangang maghintay ng ilang oras ang mga magsasakang kakausapin sana ni PBBM sa lalawigan ng South Cotabato hinggil sa modern rice production program nang magkaroon ng “technical issues” ang sinasakyang eroplano.
“Humihingi ako ng paumanhin sa inyo dahil pinag-antay ko kayo ng ilang oras. Mukhang ginugutom na kayo,” anang Pangulo sa mga nag- aabang na magsasaka para sa paglulunsad ng South Cotabato consolidated rice production at mechanization program.
Kinumpirma ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil na nagkaroon nga ng “technical issue” sa eroplanong sinasakayan ng Pangulo kaya napilitang silang bumalik sa Villamor Airbase sa Pasay City at gumamit ng ibang eroplano.
Bukod dito, pangungunahan din ng Pangulo ang pagbubukas ng Kadiwa at distribusyon ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan at sasabayan din ng jobs fair.
Plano ng Pangulo na pagkatapos ng mga aktibidad sa South Cotabato ay didiretso ito sa lalawigan ng Albay.
Bibisitahin ng Pangulo ang dalawang evacuation centers kung saan namamalagi ang mga nagsilikas na residente dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ang evacuation centers ay nasa munisipyo ng Guinobatan at Malilipot.
Magkakaroon rin ng situation briefing ang Pangulo sa Albay Astrodome sa Old Albay District, Lungsod ng Legazpi. VERLIN RUIZ