(Biyahe ng 350 pasahero naantala) MRT PUMALYA

mrt

QUEZON CITY – UMI­NIT ang ulo ng 350 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 nang maantala ang kanilang biyahe kahapon.

Ito ay nang magkaaberya ang nasabing public transport utility, alas-2:34 ng hapon.

Sa pahayag naman ng Department of Transportation (DOTr), napilitang pababain na lamang ang 350 pasahero mula sa northbound train sa Ortigas station.

Paliwanag ng ahensya, ang aberya ay bunsod ng electrical failure sa kanilang motor

Agad naman naisakay ang mga pasahero sa susunod na tren na dumating matapos ang isang minuto.

Agad namang  nagsagawa ng preventive maintenance ang ahensya at pinalitan ang electrical components ng nagkaaberyang tren. AIMEE ANOC