BIYAHE NG LRT-1 EXTENDED

LRT-1 EDSA STATION EXPANSION

PINALAWIG ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang operating hours ng LRT-1 upang ma-accommodate ang mas maraming pasahero sa gitna ng holiday rush.

Ang huling tren mula Baclaran station sa ­Parañaque City ay aalis sa alas-11 ng gabi, habang ang last trip mula Roosevelt station sa Quezon City ay alas-11:15 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado.

Tuwing Linggo, ang huling tren mula Baclaran ay aalis sa alas-9:30 ng gabi, at alas-9:45 ng gabi naman para sa mga nasa Roosevelt station.

Ang unang tren mula sa dalawang istasyon ay aalis sa alas-4:30 ng umaga araw-araw.

Ayon sa LRMC, ang bagong train schedule ay simula na kahapon at tatagal hanggang Disyembre 31, 2019.

Ang LRT-1 ay isang 20.7-kilometer rail system na nagbibigay serbisyo sa 20 istasyon na sumasakop sa Parañaque, Pasay, Manila, Caloocan, at Quezon City.    PILIPINO Mirror Reportorial Team