MALABO pang maibalik sa normal ang biyahe ng mga bus sa mga probinsya.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra lll, maraming lalawigan sa Visayas at Mindanao ang ayaw pa ring magpapasok ng mga bus na galing Metro Manila.
Matinding koordinasyon aniya sa ngayon ang kanilang ginagawa sa local government units (LGUs) bago desisyunan ang apela ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines na payagan na silang makapagbiyahe.
Sinabi ni Delgra na sa kabila nito, tuloy-tuloy ang ginagawa nilang paghahanda sa integrated bus terminals na magsisilbing tagpuan ng mga bus mula Metro Manila at karatig na mga lalawigan. DWIZ882
Comments are closed.