INAPRUBAHAN ng Sandiganbayan Fifth Division na makabiyahe palabas ng bansa si dating senador Jinggoy Estrada para samahang magpa-check up ang inang si dating senador Loi Ejercito.
Ayon sa anti graft court, ang karapatan na makabiyahe ay isang constitutional right na hindi maaring mahadlangan maliban sa mga pagkakataon na itinatakda ng batas.
Nakasaad sa resolusyon na may mga pagkakataon din na pinagbigyan ng korte si Estrada na makabiyahe.
Base sa inihaing urgent motion, Oktubre 1 hanggang 8 ang paalam ni Estrada para sa Singapore trip.
Magpapatingin ang dating unang ginang sa isang neurosurgeon sa Singapore Brain-Spine Nerves Center sa Mount Elizabeth Hospital. Dumaranas umano si Doktora Loi ng matinding pananakit ng lower back at napatunayan ang kondisyon nito sa pamamagitan ng MRI.
Una nang tinutulan ng prosekusyon ang hiling ni Estrada na makalabas ng bansa dahil sa pagiging flight risk umano ito.
Gayunman, nakasaad sa resolusyon na may mga pagkakataon din na pinagbigyan ng korte si Estrada na makabiyahe. TERESA TAVARES
Comments are closed.