NA-DELAY ang Philippine Airlines (PAL) flight PR 102 patungong Los Angeles, California (LAX) makaraang mag-divert sa Haneda, Japan upang mabigyan ng medical assistance ang isang may sakit na pasahero.
Ang flight ay umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Sabado ng hapon lulan ang 186 pasahero kasama si Senador Manny Pacquiao, nang biglang mapansin ng cabin crew ang isang pasahero na nangangailangan ng tulong medikal.
Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, ligtas namang nakalapag ang eroplano dakong 3:36 ng madaling araw sa Haneda.
Sa pahayag naman ng source, minabuti ng piloto na bumalik sa Maynila bago magtanghali ng Linggo at saka itinuloy ang biyahe pa-Los Angeles, California alas-2 ng hapon sakay ng bagong eroplano.
Si Pacquiao ay tumulak pa-US para maghanda sa laban niya kay Errol Spence sa Agosto. FROILAN MORALLOS
947710 12514Some genuinely marvellous function on behalf with the owner of this internet site, utterly outstanding content material. 136255
983986 188137Respect to site author , some wonderful entropy. 865257
606612 984247I will tell your friends to visit this site. .Thanks for the article. 146373