QUEZON CITY – DAGSA na ang mga biyahero sa iba’t ibang bus terminal sa EDSA, Cubao.
Sinasabing pahirapan na ang pagkuha ng bus ticket sa rami nang nais magsiuwi sa mga probinsiyang patungong Northern Luzon.
Inaasahan na ngayong araw hanggang Oktubre 31 ay lalo pang madaragdagan ang pasahero na magtatangkang pumila.
Ayon kay Girly Jalova, terminal clerk ng Victory Liner sa Cubao, nagbukas na sila ng extra trips ng late night ng Oktubre 31 hanggang madaling araw ng Nobyembre 1 para mabigyan ng pagkakataon ang iba pang biyahero.
Habang marami pa aniyang available na biyahe pa-Baguio City sa Oktubre 30 gayundin ang biyahe ng kanilang mga bus patungong Olongapo at Iba, Zambales.
Fully booked na rin ang lahat ng biyahe ng mga bus ng Five Star patungong Pangasinan, Tuguegarao at Cabanatuan sa Oktubre 31.
Gayunman, sinabi ni booking clerk Michelle Llaneta, may mga available pa ring biyahe ng kanilang bus mula Oktubre 26 hanggang Oktubre 30 at Nobyember 1.
Wala na ring available na biyahe patungong Baguio City ang Jac Liner mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 1.
Halos mapupuno na rin ang mga upuan ng kanilang mga bus na biyahe namang Marinduque.
Samantala, sa kasalukuyan nananatili namang isa hanggang tatlong oras ang interval ng dating at alis ng mga bus sa mga terminal. JAYMARK DEGALA-DWIZ882AM
Comments are closed.