INAPRUBAHAN na ng gobyerno ng Italy ang pagbiyahe palabas at pabalik ng kanilang bansa simula sa Hunyo 3.
Kasunod ito ng pagpapaluwag sa ipinatupad na mahigpit na lockdown sa nasabing bansa dahil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dalawang buwang naka-lockdown ang Italy kung saan limitado ang pagbiyahe at paggalaw ng mga tao matapos na matinding tamaan ng COVID-19.
Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO) ng Mayo 15, mahigit 233,000 na ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Italy, 33,000 sa mga ito ang nasawi.
Comments are closed.