INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang pagpapautang ng hanggang $2.75 billion para sa konstruksiyon ng Malolos-Clark Railway, ang itinuturing na pinakamalaking infrastructure project na tutustusan ng Japan-led lender sa kasalukuyan.
Ayon sa ADB, ang pagtatayo ng 53.1 kilometers na passenger railway na magkokonekta sa Malolos sa Clark ay gagastusan din ng Japan Interna-tional Cooperation Agency (JICA) ng hanggang $2 billion.
“Our co-financing partnership with JICA allows both our institutions to combine our expertise and knowledge in building a world-class railway in the Philippines,” wika ni Markus Roesner, ADB principal transport specialist for Southeast Asia.
Ang proyekto ay tatampukan ng konstruksiyon ng dalawang rail segments—isang 5.12-kilometer section na magdurugtong sa Malolos sa Bulacan sa Clark, at isang 1.19-km extension na magkokonekta sa North-South Commuter Railway (NSCR) sa Blumentritt sa Maynila.
“It will be ADB’s single largest infrastructure project financing ever, and from a development perspective, we are pleased this investment is taking place in ADB’s host country,” sabi ni ADB president Takehiko Nakao.
“The project, combined with other investments in light rail transit, metro rail transit, and subway systems, will bring back the culture of rail transport in Metro Manila,” dagdag pa niya.
Sa sandaling matapos, ang Malolos-Clark Railway Project ay inaasahang magpapabilis ng biyahe mula Metro Manila patungong Clark International Airport sa wala pang isang oras mula sa dalawa hanggang tatlong oras sa kasalukuyan.
Inaasahang parsiyal itong magiging operational sa 2022, at kayang mag-accommodate ng hanggang 342,000 pasahero araw-araw, na inaasahang lolobo sa hanggang 696,000 pasahero, sa pagbiyahe sa Calamba pagsapit ng 2025.
Comments are closed.