BIYAHENG BATAAN-CAVITE MAGIGING 45 MINUTO NA LANG

POSITIBO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapalalakas ng Bataan-Cavite Interlink Bridge ang aktibidad ng ekonomiya sa bansa.

Kaya naman pinuri ni Marcos ang planong pagtatayo ng P75.6-bilyong BCIB, na magpapaikli sa biyahe sa Central Luzon- Calabarzon mula limang oras hanggang 45 minuto lang.

“With the BCIB, it is projected that that five hours trip will now become as close – as quick as 30 minutes, reducing by as much as 86 percent, and we are reducing it to maybe 45 minutes of travel,” bahagi ng talumpati ng Pangulo sa milestone ceremony ng tulay sa Mariveles, Bataan.

Sinabi pa ni Pangulo na kapag nakumpleto, makakatulong din ito sa pagbaba ng mga presyo para sa kalakal at serbisyo habang bababa ang mga gastos sa transportasyon at logistic, at sa gayo’y nakalilikha ng napakalaking pagtitipid sa paligid.

Ang mga bagong oportunidad ay mabubuksan din sa Bataan at Cavite at sa kanilang mga kalapit na lalawigan dahil sa mas madaling pag-access na magagamit.

Aniya, susuportahan din ng konstruksiyon ang pagpapaunlad ng mga daungan sa dalawang lalawigan, upang maging international shipping gateways ng bansa.

HIghlight ng kaganapan ang ceremonial switching ng offshore drilling equipment na ginamit sa geotechnical investigation para sa BCIB, gayundin ang pagtatanghal ng mga milestone ng proyekto na Detailed Engineering Design (DED).

Ang 32.15 kilometro, four-lane, at pagkokonek ng inter-island bridge na magdudugtong sa Brgy. Alas-asin sa Mariveles, Bataan at Brgy. Timalan Concepcion sa Naic, Cavite at kapag natapos na, ito na ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas.

Ang BCIB ay magkakaroon ng dalawang navigational bridge: ang 400-meter North Channel Bridge at 900-meter South Channel Bridge, na dadaan sa Corregidor Island.

Humigit-kumulang 80 porsiyento ng istrUktura ay nasa ibabaw ng dagat.

Inaasahang tatagal ang proyekto ng 60 buwan at nakatakdang matapos sa pagtatapos ng ikatlong quarter ng 2028.
EVELYN QUIROZ