BIYAHERO MAAGANG MAGTUNGO SA AIRPORT

HINIMOK ng Bureau of Immigration (BI) ang mga pananakay na patungo sa ibang bansa ngayon holiday na maagang magtungo sa paliparan upang mapahintulutan nila ang ahensiya sa pagpapatupad ng social distancing.

Pinayuhan ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga mananakay na magtungo sa airport ng mas maaga sa departure flights upang masiguro na may sapat silang na oras para sa kanilang check in at masiguro ang social distancing sa immigration area.

Iminungkahi ng local airlines sa mga mananakay na maglaan ng 3-4 na oras na mas maaga sa kanilang scheduled flight.

Sinabi ni Morente na nitong nakaraang araw ay tumaas ang bilang ng mga mananakay na umaalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa mga paliparan sa Mactan, Cebu at Clark, Pampanga simula nitong Christmas season.

“While there are significantly less travelers this year because of the pandemic, there could still be congestion for late passengers rushing during boarding time,” said Morente. “We can help avoid congestion during boarding by checking in early,” ayon kay Morente.

Ipinaliwanag nito na dahil sa pandemya, kinakailangan ng mga airlines ng karagdagan pag-iinspeksiyon upang masiguro na naipapatupad nilang ang mga travel restrictions.

Pinayuhan pa ni Morente ang mga paalis na mananakay na kumpleto ang kanilang travel requirements, kabilang ang travel requirements ng iba’t-ibang bansa dahil sa Covid-19 pandemic.

“Our immigration officers are always on the lookout for suspected human trafficking and illegal recruitment victims,” ayon kay Morente. “Despite the holiday rush, we will ensure that our kababayan are protected from these predators, and we will turnover any victims to the Inter-Agency Council Against Trafficking for filing of cases against their recruiters,” dagdag pa nito. PAUL ROLDAN