(Biz groups sa gobyerno) PUBLIC TRANSPORT DAGDAGAN

public transport

HINILING ng mga business group sa pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang pagresolba sa problema sa transportasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic, sa halip na ipagmalakl ang mga proyektong pang-imprastruktura.

Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), kailangang solusyunan ng gobyerno ang transport issues sa mga manggagawa sa harap ng paglimita sa mga bus at jeepney sa 50% capacity sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

“Hintuan na ‘yang pagyayabang ng kung ano-anong project. Ang importante, sa Manila, papasukin ang lahat ng dapat papasukin na mga sasakyan,” wika ni Sergio Ortiz-Luis, chairman ng PCCI.

Aniya, hirap sa transportasyon ang mga commuter sa Metro Manila dahil maraming negosyo ang pinayagan nang muling magbukas nang isailalim ito sa MECQ mula sa ECQ.

Sinabi naman ng isang opisyal ng International Chamber of Commerce Philippines (ICCP) na bagama’t marami nang infra projects na natapos ang pamahalaan, ang pangunahing problema ng bansa ay ang pandemya.

“It’s not the order of the day. The order of the day is how we combat COVID-19. Nauuna ‘yung alibi no?” ani Jess Varela, director general ng ICCP.

Nauna nang nanawagan ang PCCI na taasan ang public transport capacity sa 80 percent para mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya.

11 thoughts on “(Biz groups sa gobyerno) PUBLIC TRANSPORT DAGDAGAN”

  1. 99719 693470Das beste Webdesign Berlin erhalten Sie bei uns, genauso wie professionelles Webdesign. Denn wir sind die Webdesign Agentur mit pfiff. 812506

Comments are closed.