BIZ MISSION SA MEXICO, US IKINASA NG DTI-EMB

DTI-EMB-3

SA LAYUNING mapalakas ang pakikipagkalakalan  sa Latin America at United States of America (USA), ang Department of Trade and Industry – Export Marketing Bureau (DTI-EMB) at ang Philippine Trade and Investment Centers (PTICs) sa Mexico at Los Angeles ay magsasagawa ng outbound business-matching mission (OBMM) para sa fast-moving consumer goods (FMCG) sa 2020.

Kabilang sa lalahukan ng OBMM ang Expo ANTAD & Alimentaria sa Guadalajara City sa Mexico at ang business matching activities sa Mexico City at Los Angeles, California.

“Expo ANTAD and Alimentaria is Latin America’s largest food and supermarket show. It is an international event aimed at the entire food industry from distribution (importers, distributors, retailers, supermarket stores, department stores, and specialty stores) to the food service sector (restaurants, hotel chains, industrial canteens, and cruise ship suppliers). It also includes FMCG like personal care products, housewares, and wearables.”

Ang three-day event ay magkakaloob ng malaking oportunidad para sa mga exhibitor na maranasan ang mga potensiyal ng Latin American market. Sa kanilang paglahok noong nakaraang taon, nakaharap ng mga exhibitor ang mga buyer hindi lamang mula sa Mexico kundi maging sa iba pang Latin American countries tulad ng Chile, Ecuador, Peru, and Panama and from California and Florida in the USA.

Ito na ang ikalawang paglahok ng EMB sa Me­xico kasunod ng OBMM at  partisipasyon sa parehong same expo ngayong taon, na nilahukan ng Chat Noir Co. Inc. (Don Papa Rum), Republic Biscuit Corporation, Monde MY San, Nattural Quality Corporation, See’s International, Business People, Nutribiz International Inc., McCormick, Potato Corner, at Filipino Food Movement.

Noong 2018, ang Me­xico ay 26th major tra­ding partner (mula sa  222) ng Filipinas, 15th export market (mula sa 213), at 41st import supplier (mula sa 198). Ang total bilateral trade ay nagkakahalaga ng US$756.81 million.

Ang OBMM sa Mexico at Los Angeles ay gaganapin sa March 28- April 7,l 2020. Ang mga interesadong lumahok ay maaaring mag-email kina  Ms. Gina Yap (GinaYap@dti.gov.ph) at  Mr. Benedict Santos (JohnBenedictSantos@dti.gov.ph) ng DTI-EMB o tumawag sa  +63 8 465.3300 local 230 at 218.

Comments are closed.