KINOKONSIDERA ng Department of Trade and Industry (DTI) na taasan ang operation capacity ng mga negosyo sa mga lugar na isasailalim sa Alert Level 4 sa susunod na buwan.
Ito, ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, ay dahil ang pilot week ng alert level system sa Metro Manila ay naging “maganda” at “ligtas.”
“We consider bringing operation capacity up from 10 percent to 20 percent because it is deemed safe, and customers are highly complying (with the protocols). It makes sense to give a little more support on this protocol,” ani Lopez.
Aniya, maaari itong magsimula sa Oktubre, matapos ang huling araw ng Alert Level 4 status sa Metro Manila.
Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa ilalim ng bagong alert level system, kung saan ang outdoor dine-in operation ay pinapayagan hanggang 30 percent, at 10 percent para sa indoor dine-in services.
Ang kaparehong operation capacity ay ipinatutupad din sa personal care services.
Bukod sa pagtataas sa allowed capacity sa mga negosyo, sinabi ni Lopez na kinokonsidera rin ng ahensiya ang muling pagbubukas ng gyms sa ilalim ng Alert Level 4.
Ang protocols sa ilalim ng Alert Level 4 ay katumbas ng kasalukuyang modified enhanced community quarantine (MECQ) protocol.
Samantala, dahil sa mas mahigpit na community quarantine protocol para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant infection, sinabi ni Lopez na 16 percent ng mga negosyo sa Metro Manila ang isinara sa September survey nito.
Mas mataas ito ng 10 percent sa June 2021 survey. PNA
87081 279908Spot on with this write-up, I genuinely suppose this website needs much much more consideration. probably be once more to learn way more, thanks for that info. 924461
741338 88323Very clear internet site , regards for this post. 171202
946151 887466This kind of publish appears to get yourself lots of visitors. How will you acquire traffic to that? It provides a fantastic distinctive twist upon issues. I guess having something traditional or perhaps substantial to give info on may be the central aspect. 46115