BIZ REG PINADALI

DTI-digital payment service providers

MAS madali at mas kumbinyente na ngayon para sa mga Filipino ang magparehistro at mag-renew ng business names kasunod ng pakikipag-partner ng Department of Trade and Industry (DTI) sa digital payment service providers.

“(Now), there is no need (for the entrepreneurs) to take a leave of absence, or to commute just to pay for business transactions,” pahayag ni national treasurer Rosalia De Leon sa signing ng memorandum of agreement sa pagitan ng DTI, partners, Landbank at Bureau of the Treasury  noong Biyernes.

Aniya, napakahalaga ng hakbang dahil binabawasan nito ang panganib na may kaugnayan sa cash transactions.

“For the longest time, the government has not adapted with the e-payments. We have long relied with cash payments,” ani De Leon, at idinagdag na kailangang manatiling nakaagapay ang pamahalaan sa financial technology upang makapagkaloob ng epektibong serbisyo publiko.

Kinuha ng DTI ang serbisyo ng e-payments service providers PayMaya at GCash para sa ‘BNRS Next Gen’ (Business Name Registration System Next Generation), isang online platform kung saan ­maaaring magparehistro ang publiko o i-renew ang business names, saan man sila naroroon. Maaari itong i-access sa ­https://bnrs.dti.gov.ph/.

“They would no longer need to go to business centers. They could just use this platform,” anang national treasurer.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na sinisikap ng ahensiya na mai-convert ang lahat sa isang e-payment scheme.

“This is aligned with President Duterte’s mandate on the ease of doing business. The advantage of e-payments is that it is stronger and a more stable system,” anang kalihim.

Nakikipag-ugnayan, aniya, ang DTI sa Department of Information and Communications Technology (DICT) sa paglikha ng single system na makapagpapabilis sa business processes.

“In this system, users would no longer need to retype pertinent details required by various government agencies, such as the DTI, and Social Security System (SSS).”

“We target to make everything digitized this year,” dagdag pa niya.

Sa BNRS, halimbawa, kahit sino ay maaaring makipag-transaksiyon 24/7, gamit ang kanilang mobile phones. PNA

Comments are closed.