NAGPAHAYAG ng suporta ang business at banking sectors sa pagkakatalaga kay Batangas 6th District Rep. Ralph Recto bilang secretary ng Department of Finance (DOF).
Sa isang statement, sinabi ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) president Enunina Mangio na ikinatuwa ng grupo ang appointment ni Recto bilang DOF chief kapalit ni Benjamin Diokno.
Si Recto ay nanumpa sa harap ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes.
“Senator Recto is perfectly suited for the job. He has the experience, expertise, and political backing that are critical if he is to oversee the strengthening of the country’s economic and fiscal positions. He has led the National Economic and Development Authority and authored and sponsored landmark measures that have helped the country weather economic crises, even [though] some were unpopular,” wika ni Mangio.
Ang tinutukoy niya ay ang Expanded Value-Added Tax, ang Rice Tariffication Law, at ang Rent Control Act.
Sinabi ni Mangio na umaasa ang PCCI, ang pinakamalaking business organization sa bansa, na ipagpapatuloy ng bagong finance chief ang pagsusulong sa mga polisiya at reporma na susuporta sa paglago ng mga negosyo at upang matiyak na magpapatuloy ang pagsigla ng ekonomiya ng bansa.
Aniya, ang PCCU ay active partner ng DOF sa iba’t ibang inisyatibo, kabilang ang comprehensive tax reform program at ang pagpapabuti sa tax regime.
“We look forward to continuing [to work] and collaborating with the government to drive our economy forward,” dagdag pa niya.
Samantala, binigyang-diin ni Bankers Association of the Philippines (BAP) president Jose Teodoro Limcaoco na taglay ng Batangas lawmaker ang kinakailangang karanasan upang isulong ang economic growth ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng epektibong fiscal policy, makaraang magsilbi bilang NEDA chief at bilang senador na nagtaguyod sa pro-growth laws.
“While the Philippine economy continues to grow due to its strong fundamentals, it is currently facing local and global economic headwinds such as inflation. The country needs an experienced economist who can navigate the ongoing challenges of this operating environment, and Secretary Recto is an ideal fit for this job,” dagdag pa niya.