BJMP INMATES TINURUKAN VS INFLUENZA, PNEUMOCOCCAL

UMAARANGKADA na rin ang influenza at pneumococcal vaccination sa jail facilities ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito’y bilang bahagi ng mga istratehiya na matiyak ang kalugusan ng mga persons deprived of liberty (PDLs) at mga jail officers sa bansa.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, mula nitong Setyembre 21 nasa kabuuan nang 79,387 PDLs na ang nakatanggap ng flu vaccines.

Aniyam, mayroon naman 3,812 bilanggo ang naturukan ng pneumococcal vaccines.
Samantala, sa mga BJMP personnel, nasa 6,699 na ang nakatanggap ng flu vaccines habang 530 naman ang naturukan ng pneumococcal vaccines. EVELYN GARCIA

3 thoughts on “BJMP INMATES TINURUKAN VS INFLUENZA, PNEUMOCOCCAL”

Comments are closed.