BK RIVERA: YOUNG CEO AT ‘IDOL’ NG SELLER’S HUB

ni Eunice Calma Celario

“HAPPY ako kasi nahanap ko ang isang bagay na gusto kong gawin at minahal ko siya, at may impact ako sa buhay ng maraming tao. Si Seller’s Hub ang naging vehicle ko na i-preach sa buong mundo, sa kapwa ko Pilipino na walang imposible basta willing ka matutuo at kung araw-araw mong ginagalingan ay maabot mo ang pangarap mo!”

Ito ang pangmalakasang pahayag ng 28-anyos na si BK Rivera ang Chief Executive Officer and President
ng Seller’s Hub, mula sa Cavite.

Sa panayam ng PILIPINO Mirror kay Rivera na isang Marketing graduate, lakas ng loob, kaalaman nakamit mula sa kolehiyo at dating propesyon sa networking ang kanyang puhunan para maitayo ang Seller’s Hub, isang online retail company na nagsimula noon pang 2017.

Bukod sa pagiging middleman sa online shopping, may sarili ring produkto ang Seller’s Hub at kabilang sa mga ito ang kanilang Coffee Cleanz at Camu White na isang food supplement na collagen/glutathione at ipinagmamalaki ni BK Rivera na ang lahat ng kanilang online buyers ay nagtaglay ng transformation dahil sa guaranteed satisfaction.

YOUNG PROFESSIONALS ANG STAFF
Ibinida rin ni BK Rivera na may katuwang siya sa pagpapatakbo ng kanyang kumpanya at kinuha niya ang mga young professionals na handang madagdagan ang kaalaman.

Siya mismo ang nagtuturo sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman habang krusyal din ang kanilang operasyon dahil nasa digital era na.

Kaya naman pinili niya ang staff na may alam sa digital platform transaction upang ma-satisfy ang kanilang mga online buyers.

IDOL
Para may guidelines sa high-quality services, may standard ang branding ng Seller’s Hub at ito ay ang IDOL o Integrity Driven, sense of Ownership, Life longer.

“Kapag sinabi mong Seller’s Hub, o sa amin kumuha ng produkto o kaya naman tauhan naming, dapat “Idol” ‘yan.

Idol means brand namin, kami ‘yan!” ayon kay BK Rivera.

Kaya naman patuloy ang sharing ni Rivera ng kaalaman sa kanilang mga tauhan, kasama na rito ang marketing at customer care.

Kabilang sa strategy ni BK Rivera ay mapanatili ang good relationship sa kanilang kliyente, buyer online at sa mga partner.

Sa ngayon ay mayroon na silang repeat buyers o mga suki at bahagi ng kanilang customer care ay magrekomenda ng magandang produkto kaya naman mayroon din silang quality control sa mga ide-deliver na orders, na aniya’y isang taglay na mahusay na relasyon sa kanilang mga online buyer.

‘MALINIS’ NA TRABAHO
Isa sa pinapanatili ni BK ang ‘malinis’ na trabaho at garantisadong serbisyo kaya naman maingat sila sa kanilang mga transaksyon.

Upang matiyak na maayos ang operasyon, hands on si BK Rivera sa kanilang negosyo at pumili siya ng mapagkakatiwalaan at mahuhusay na staff nang sa ganoon maabot ang pangarap na expansion.

“Sa mga susunod na panahon, nakikita kong Seller’s Sphere na kami, ibig sabihin may mga subsidiaries, o group o companies,” ayon kay Rivera.

SELLER’S HUB GAME SA MAS MAKABAGONG TEKNOLOHIYA
Samantala, ngayong boom na ang iba’t ibang digitalized marketing and economy, at nakakasabay Seller’s Hub, tiniyak naman ni BK Rivera na sakaling pumasok pa ang advanced technology sa komersyo ay handa silang i-adapt ito.

“Kung may bagong technology, ang sagot ko kaya ng Seller’s Hub, kasi eversince nag-a-adjust lang kami, sinasabayan naming ang strategies, kung may bago sa market, babaguhin din naming ang strategy naming, wala namang permanente, so dapat nag-aaral tayo para makasabay tayo sa market, mag-grow tayo, dapat mag-adapt sa pagbabago dahil walang permanente sa mundo kundi pagbabago,” ang puno ng kumpiyansang sagot ni BK Rivera.

At ang pananaw na ito ng young CEO and President ng Seller’s Hub ang siyang magiging daan para maabot ang pangarap na Seller’s Sphere.