SULU- NAGPASYA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipadala sa Estados Unidos ang blackbox o flight data recorder ng C-!30 Hercules Cargo Plane para doon suriin kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak nito noong Hulyo 4 kung saan 52 tao ang nasawi.
Ito ay kasunod ng pag-amin ni AFP Chief of Staff, Gen Cirilito Sobejana, wala kakayahan ang mga imbestigador ng AFP na buksan at tingnan kung ano nilalaman ng blackbox kaya minabuti nilang ipasuri ito sa Amerika.
Paliwanag pa ng top military official na nakausap na nila ang kanilang counterpart at nag-commit na oras na matanggap ay bubuksan kaagad nila ang blackbox para basahin ang nilalaman at ipapadala rin agad pabalik ang resulta para makatulong nang malaki sa imbestigasyon.
Ang laman ng blackbox ang naging usapan ng mga piloto bago naganap ang trahedya.
Una nang iginiit ng AFP na walang foulplay sa pagbagsak ng C-130 at ang kanilang inisyal na tinitignan sa nangyaring pagbagsak ay dahil sa lagay ng panahon at human error.
Samantala, nasa mismong pinangyarihan ng -130 plane crash sa Patikul ang mga miyembro ng 220th Airlift Wing Aircraft Accident Investigation Board ng Philippine Air Force (PAF).
Ayon kay PAF Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano ang team na ito ang tututok sa imbestigasyon para matukoy ang pinakadahilan ng pag-overshoot ng C-130 plane habang papalag sa runway sa airport sa Sulu.
Sinabi ni Mariano, ang team ay binubuo ng piloto, maintenance, medical at iba pang technical fields.
Sila aniya ay kakalap ng ebidensya at mga panayam sa mga nakaligtas sa trahedya at mga sibilyang nakasaksi sa pag oveshoot upang maitama kung may pagkakamali at hindi na maulit pa ang nangyari.
Kaugnay nito iginiit ni Mariano na hindi overloading ang dahilan ng pagbagsak ng nasabing eroplano dahil 120 ang capacity ng aircraft subalti 96 lang ang sakay kabilang na ang mga piloto at aircrew nang mangyari ang trahedya. REA SARMIENTO
19 SUNDALONG NASAWI SA
C-130 CRASH KILALA NA
Kinilala kahapon ng AFP ang 19 sa 49 na nasawi na sina MajorEmmanuel Makalintal, Major Michael Vincent Benolerao, 1st Lt. Joseph Hintay, TSgt Mark Anthony Agana, TSgtDonald Badoy, SSgtJan Neil Macapaz, SSgtMichael Bulalaque,at SgtJack Navarro na pawang mula sa Philippine Air Force (PAF).
Kabilang sina Captain Higello Emeterio mula AFP Medical Corps at 1st Lt. Sheena Alexandria Tato ng AFP Nurse Corps.
Sa hanay ng Philippine Army, ay unang na identify ang bangkay nina Sgt Butch Maestro, Private First Class Christopher Rollon; Private First Class Felixzalday Provido, Privates Raymar Carmona, VicMonera, Mark Nash Lumanta, Jomar Gabas, Marcelino Alquisar, at Mel Mark Angana.
Kaugnay nito nangako si Army commanding General Maj. Gen Andres Centeno na makakaasa ang tuloy- tuloy na tulong sa pamilya ng 37 sundalo na nasawi sa kanilang hanay at maging ang 47 na sugatan sa insidente. VERLIN RUIZ
83439 96578Hi there! Do you use Twitter? Id like to follow you if that would be ok. Im undoubtedly enjoying your weblog and appear forward to new posts. 547696
928996 306913I added this article to my favorites and strategy to return to digest much more soon. It is easy to read and understand as well as intelligent. I truly enjoyed my initial read by means of of this post. 252301
615598 810146Fantastic web site you got here! Yoo man fantastic reads, post some far more! Im gon come back so much better have updated 615784
929248 350430Yay google is my king helped me to uncover this outstanding site! . 529236