BLACK HAWK NG PAF NAGAMIT NA SA RELIEF OPS

NAGAMIT sa relief operations ang Philippine Air Force (PAF) para magdala ng relief supplies sa bahagi ng Palawan na apektado ng Typhoon Odette noong nakaraang linggo.

Sa Facebook page ng PAF, sinabi ng Tactical Operations Wing (TOW) West na ang dalawang Sikorsky S-70i Black Hawk helicopters ang nagdala ng 60 sako ng bigas at isa pang 30 sako ng repacked rice sa Linapacan.

Naisakatuparan ang relief operation sa pakikipagtulungan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Noong Disyembre 25, isang kahalintulad na flight ang nagdala ng 60 sako ng bigas at isa pang 30 sako ng repacked rice sa bayan ng Taytay.

Sa kaparehong araw, dalawang PAF Blackhawks ang nag-deliver ng 120 sako ng bigas, 60 sako ng assorted goods at 300 family food packs sa kalapit bayan ng Cagayancillo sa Sulu Sea.

“The mission required traversing 290 nautical miles of maritime area from [the provincial capital Puerto Princesa City] to Cagayancillo and vice versa,” ayon sa Air Force.

Naipakita lamang ng nasabing flight ang “the capability of the [Black Hawk] helicopter in accomplishing various missions and validated the importance of modernization of assets of the Philippine Air Force and [Armed Forces of the Philippines].”