Black is beautiful para kay Anne Curtis

Nagtayo si Actress/Host Anne Curtis ng sarili niyang makeup line na pinangalanan niyang blk. Isa ito sa iilang local brands na may official cruelty-free certification mula sa PETA.

Ang ibig sabihin ng BLK ay “black” na tinanggal lamang ang lahat ng vowels. Ito kasi ang favo­rite color in Anne. Aniya, nagre-represent ito ng tunay na kahulugan ng kanyang makeup brand: Classic, timeless, simple, and uncomplicated.

Bilang self-confessed beauty addict, napaka-passionate ni Anne sa BLK Cosmetics.

Siya mismo

ang nagpangalan ng bawat shade sa bawat item, at talagang hands-on siya sa creation ng bawat produkto.

At dahil inaasahan nating hit na hit ito sa kanyang mga fans, kahit pandemic, tuloy pa rin ang pag-develop nila sa mga produkto. Plano raw niyang gumawa pa rin ng mga kikay kit essentials: tulad ng mascara at lip tint! — NV