UPANG matiyak na hindi mabibili over the counter, inatasan ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Intelligence Group, at iba pang National Operational support units na bumuo ng mga team na magbabantay sa possibleng “black market operations” na may kinalaman sa COVID-19 vaccines.
Ayon sa PNP Chief, ang bubuuing team ay maglulunsad ng mga operasyon para pigilan ang ilegal na pagpasok, distribusyon at pagbebenta ng Covid 19 vaccines sa merkado.
Sinabi ng PNP Chief na istriktong ipatutupad ng PNP ang mga alituntunin ng National Task Force vs. COVID- 19, Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) sa nakatakdang ilunsad ng National Vaccination program.
Una nang naglabas ng paalala ang NTF-DOH-FDA na walang bakuna na awtorisadong ibenta sa merkado at ang paggamit sa labas ng “COVID-19 vaccination prioritization framework” ay ilegal.
Nagpasaklolo rin ang FDA sa PNP na bantayan ang ilegal na pagbebenta ng bakuna gayundin ang pagpuslit nito sa bansa lalo na’t wala pang marketing authorization sa buong mundo.
Tiniyak din ni PNP Spokesman Brig.Gen. Ildebrandi Usana na tutugon sila sa hiling ng FDA sa pagbabantay sa merkado upang hindi ito maibenta nang walang kaukululang pahintulot sa publiko.
“The PNP is more than willing to be tapped to help concerned authorities address the influx of smuggled covid-19 vaccines that are not authorized in the market at all. This is aimed at protecting our people from falling victims to wrong application of the vaccine,” ayon kay Usana. EUNICE CELARIO
Comments are closed.