DAHIL sa patong-patong na kaso ng disqualification laban sa kanyang katunggaling si Jeannie Sandoval sa COMELEC at lumitaw sa pinakahuling survey na tiyak na ang panalo ni Malabon City mayoralty candidate Konsehal Enzo Oreta, inaasahan na gagamit ng black propaganda laban dito habang papalapit na ang halalan o sa mismong araw nito.
Tatlong kaso ngayon ng paglabag sa Omnibus Election Code ang nakasampa laban kay Sandoval.
Samantala, ayon sa isang privately commissioned survey na ginawa noong Abril 29-May 1, 2022 at inilabas ang resulta noong Mayo 3, tiyak na ang pagkapanalo ni Oreta nang piliin siya ng 65% sa 1,200 respondents. Nakatanggap lamang ng 35% preference si Sandoval. Ang naturang survey ay mayroon lamang 2.3% margin of error.
Pinangangambahan na ipagkakalat na disqualfied na si Oreta o maaring inaresto na dahil ito sa mga gawang Recto na mga reklamo na inihain ng mga sinasabing bayarang complainants sa Comelec at Ombudsman.
Dahilan ito upang magbigay babala si Oreta sa mga botante ng Malabon na huwag maniwala sa fake news dahil ibabasura lang ang mga naturang reklamo sa kanya at mga kilos na ito ng mga kalaban at dahil na lamang sa kanilang desperasyon.
Matatandaang tinalo na ang mag-asawang Sandoval noong 2019 matapos silang ilampaso nina Mayor Lenlen Oreta at Rep. Jaye Lacson-Noel.