INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) Immigration Agent sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang blacklisted Chinese national bago makaalis pabalik ng China.
Kinilala ang suspek na si Zhou Xingxing, 31-anyos na, dinakip dahil sa pagiging overstaying at pagtratrabaho sa online gaming company ng walang permit mula sa PAGCOR.
Agad si Zhou na inilipat sa BI Control and Intelligence Unit (CIU) upang sumailalim ng tamang proseso bago mag-undergo ng booking procedures sa legal division ng Immigration.
At si Zhou ay pansamantalang dinala sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang naka-pending ang kanyang deportation order. FROILAN MORALLOS