BLACKWATER PLAYER NEGATIBO SA SWAB, ANTIGEN TEST

Willie Marcial

NEGATIBO sa swab at antigen tests ang Blackwater player na unang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa PBA.

“We would like to report that the RT-PCR test taken by the Blackwater player Sunday yielded a negative result. He also tested negative on antigen,” pahayag ng PBA sa isang statement.

Sinabi pa ng liga na ang referee na nagpositibo sa mandatory swab test noong nakaraang linggo ay na-clear na rin ng mga health official na nangangasiwa sa PBA bubble protocols matapos na magnegatibo ang kanyang confirmatory RT-PCR at antigen test.

Gayunman, ang player at ang game official ay nananatiling naka-quarantine bilang precautionary measure.

“The PBA bubble remains intact and has not been breached. Nevertheless, we urge all participants to be extra cautious and strictly follow the protocols set for them inside the bubble,” pagbibigay-diin ng  PBA.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na lalo silang maghihigpit sa pagpapatupad ng protocols sa loob ng bubble, kabilang ang physical distancing at pagsusuot ng face masks at  face shields. Ang mga lalabag ay pagmumultahin at papatawan ng parusa.

3 thoughts on “BLACKWATER PLAYER NEGATIBO SA SWAB, ANTIGEN TEST”

  1. 595016 714503This internet page is often a walk-through for all of the details it suited you with this and didnt know who to ask. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 871607

  2. 932656 341667Wow, incredible blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging look easy. The overall appear of your website is excellent, as effectively as the content material! xrumer 790150

Leave a Reply

Your email address will not be published.