Mga laro bukas:
(Cadiz Arena, Negros Occidental)
4:15 pm – Cignal vs Sta. Lucia
7:00 pm – Foton vs Petron
SASALANG ang heavyweight Petron sa unang pagkakataon sa pagsagupa sa Foton sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference ngayon sa Cadiz Arena, Negros Occidental.
Makaraang pagharian ang naunang Grand Prix, sisimulan ng Blaze Spikers ang kanilang kampanya para sa ikalawang sunod na titulo sa pagharap sa Tornadoes sa main game sa alas-7 ng gabi.
Bago ito ay sisikapin ng defending champion Cignal na maitala ang ikatlong sunod na panalo sa pakikipagbuno sa Sta. Lucia Realty sa alas-4:15 ng hapon.
Ang isa pang panalo ay maglalapit sa HD Spikers sa nag-iisang outright semifinal berth sa kanilang grupo makaraang gapiin ang University of the East-Cherrylume at Smart-Army sa kanilang unang dalawang asignatura noong nakaraang linggo.
Sisikapin ng Lady Realtors, pinataob ang Cocolife sa apat na sets noong nakaraang linggo sa Bacoor City, na masamantala ang kanilang momentum at mapigilan ang reigning titlist na maipuwersa ang pagtatabla sa ibabaw ng Pool B.
Subalit nakatuon ang lahat sa Blaze Spikers, na ipaparada sina Mika Reyes, Aiza Maizo-Pontillas, Ces Molina, Rhea Dimaculangan at Remy Palma na nagwagi ng Grand Prix title sa kaagahan ng taon.
“This Invitational is very unpredictable because all teams are tough to beat,” wika ni Petron head coach Shaq Delos Santos.
“We need to be more prepared every game in. This conference and give our best to show a great competition.”
Sasandal din si Delos Santos, gumagabay rin sa women’s national team, kina returning college stars Sisi Rondina at hometown hero Bernadeth Pons.
Umaasa si Foton head coach Rommel Abella na makabangon mula sa nakaaalarmang 0-2 simula makaraang matalo sa F2 Logistics sa opening day at kapusin laban sa surprise leader Generika-Ayala sa limang sets noong nakaraang linggo.
“Actually, it’s not yet time to push the panic button. We still have a chance although we made the road tougher for us,” ani Abella.
Sa kabila ng pagkuha kina Bea De Leon, Shaya Adorador at twins Nieza at Ela Viray upang samahan sina mainstays Jaja Santiago, Dindin Santiago-Manabat at Maika Ortiz, ang Tornadoes ay bigo pa ring makatugon sa inaasahan ng kanilang fans.
Ayon kay Abella, ang communication at composure ang kanilang nagiging problema.
“Communication and composure were the problems in our first two matches. Especially in our recent lost to Generika-Ayala, we lost our composure. If we want to survive in this tournament, we have to address those factors moving forward,” aniya.
Comments are closed.