BLAZERS INAPULA NG WARRIORS

LUMAPIT si Stephen Curry ng siyam sa record ni Ray Allen na may anim na 3-pointers tungo sa team-high 22 points upang tulungan ang Golden State na pataubin ang short-handed Portland, 104-94, Miyerkoles sa San Francisco.

Umaasa ang home crowd na mabubura niya ang all-time career mark ni Allen na 2,973, nagmintis si Curry sa kanyang unang apat na 3-point attempts at hindi kailanman hinamon ang 15 na kanyang kailangan para maitabla ang record.

Nakakuha ang Trail Blazers, hindi nakasama sina Damian Lillard (lower abdominal tendinopathy) at CJ McCollum (collapsed right lung), ng game-high 26 points mula kay Norman Powell.

Nalasap ng Portland ang ika-4 na sunod na pagkatalo at bumagsak sa 1-11 sa road.

NUGGETS 120,

 PELICANS 114

Kumana si Nikola Jokic ng triple-double at naitala ang 11 sa kanyang game-high 39 points sa overtime nang gapiin ng Denver Nuggets ang host New Orleans Pelicans, 120-114.

Nagdagdag si Jokic ng 11 rebounds at 11 assists at umiskor si Will Barton ng 20 points para sa Nuggets na nagwagi sa ikatlong pagkakataon pa lamang sa 11 games.

Nanguna si Jonas Valanciunas para sa Pelicans na may 27 points at 11 rebounds. Nagbuhos si Herbert Jones Jr. ng season-high 19 para sa New Orleans.

Na-sprain ni Pelicans backup guard Kira Lewis Jr. ang kanyang kanang tuhod sa kaagahan ng second quarter, inilabas sa court at hindi na bumalik.

CLIPPERS 114,

 CELTICS 111

Ginamit ng short-handed Los Angeles ang kanilang sariling Boston upang madominahan ang bisitang Celtics.

Sa pagkawala ni Paul George dahil sa bruised right elbow, kumana si rookie Brandon Boston Jr. ng career-high 27 points at nakopo ng Clippers ang ikatlong panalo sa apat na laro. Nagdagdag si Marcus Morris Sr. ng 20 points para sa Los Angeles, at nagtala si Reggie Jackson ng 17.

Tumirada si Jayson Tatum ng 29 points at kumalawit ng 10 rebounds para sa Celtics, habang nagdagdag si Dennis Schroder ng 19 points.

Nalasap ng Boston ang back-to-back loss sa  Los Angeles.

Sa iba pang laro: Heat 113, Bucks 104;  Wizards 119, Pistons 116 (OT); Mavericks 104, Grizzlies 96; Thunder 110, Raptors 109; 76ers 110, Hornets 106; Cavaliers 115, Bulls 92; Jazz 136, Timberwolves 104; Pacers 122, Knicks 102; Rockets 114, Nets 104; Kings 142, Magic 130.