BLAZERS PINALUBOG ANG SUNS

clippers vs blazers

AP Photo/José Luis Villegas


BINASAG ni Anfernee Simons ang pagtatabla sa pagsalpak ng isang running hook shot, may 7.2 segundo ang nalalabi sa overtime, at nagtala si Damian Lillard ng 41 points at 7 rebounds upang tulungan ang Portland na gulantangin ang bisitang Phoenix, 113-111, nitong Biyernes.

Naitakas ng Trail Blazers ang panalo sa pag-iskor ng huling pitong puntos ng laro. Nagdagdag si Jusuf Nurkic ng 20 points at 17 rebounds at umiskor si Simons ng 16 points sa ikalawang sunod na panalo ng Portland.

Tumipa si Devin Booker ng 33 points at nag-ambag si Deandre Ayton ng 26 para sa Suns.

Nuggets 128, Warriors 123

Kumana si Nikola Jokic ng 26 points bilang bahagi city ng triple-double upang pangunahan ang Denver sa panalo kontra Goldden State sa San Francisco.

Nagbuhos din si Jokic ng game highs 12 rebounds at 10 assists, upang tulungan ang Nuggets na makaganti sa Warriors team na sumibak sa Denver sa Western Conference playoffs sa first round noong nakaraang April.

Nagtala si Stephen Curry ng game-high 34 points para sa Warriors, na tinalo ang Los Angeles Lakers sa Opening Night bago ginulantang 70-point Nuggets first half makalipas ang tatlong gabi.

Jazz 132, Timberwolves 126 (OT)

Umiskor si Jordan Clarkson ng 29 points at nalusutan ng Utah ang 17-point deficit upang pataubin ang Minnesota sa overtime sa Minneapolis.

Naitala ng Jazz ang huling pitong puntos sa OT upang itarak ang ikalawang sunod na panalo sa pagsisimula ng season.

Tumapos si Lauri Markkanen na may 24 points, kumubra si Kelly Olynyk ng 21 bago na-foul out sa huling bahagi ng regulation at nagdagdag si dating Minnesota player Malik Beasley ng 15 para sa Utah.

Tumirada si Anthony Edwards ng 30 para sa Timberwolves, tumipa si Karl-Anthony Towns ng 27 at nagdagdag si D’Angelo Russell ng 23, kabilang ang OT-forcing bucket, may 5.4 segundo ang nalalabi sa regulation. Kumalawit si Rudy Gobert, na-trade mula sa Utah sa Minnesota sa offseason, ng 23 rebounds ngunit umiskor lamang ng 9 points.

Sa iba pang laro: Nets 109, Raptors 105; Wizards 102, Bulls 100; Pelicans 124, Hornets 112; Hawks 108, Magic 98; Celtics 111, Heat 104; Knicks 130, Pistons 106; Spurs 137, Pacers 134.