Standings W L
Mapua 8 2
San Beda 7 2
LPU 7 3
JRU 6 4
EAC 6 4
Benilde 6 4
Perpetual 4 6
SSC-R 3 7
Arellano 1 8
Letran 1 9
Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – Arellano vs San Beda
4 p.m. – SSC-R vs JRU
IPINALASAP ng College of Saint Benilde sa Mapua ang ikalawang talo nito, 65-61, sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Ecooil Centre.
Naitala ni Miguel Corteza ang walo sa kanyang his 17 points sa second half, at kumalawit ng 9 rebounds habang tumipa si Will Gozum ng 11 points sa 16 minutong paglalaro para sa Blazers.
May 6-4 record, ang Benilde ay sumalo sa ikatlong puwesto sa Jose Rizal University at Emilio Aguinaldo College.
Sa kabila ng kabiguan, ang Mapua ay nanatili sa ibabaw ng standings sa 8-2, kalahating laro ang angat sa second-running San Beda (7-2).
Sa unang laro, bumanat ang University of Perpetual Help System Dalta ng 19-0 run sa fourth quarter upang pataubin ang defending champion Letran, 73-61.
Nakuha ng Altas, nagkumahog sa first round, ang much-needed win para makabalik sa Final Four contention na may 4-6 kartada.
Nanatili naman ang Knights sa ilalim ng standings na may 1-9 kartada.
Nanguna si Cyrus Nitura para sa Perpetual na may 17 points, 7 rebounds, 4 steals at 2 assists, habang nagdagdag sina Art Roque at Jielo Razon ng 16 at 13 points,ayon sa pagkakasunod.
“So coming out of the dugout, I reminded them, kasi sa tingin nila tapos na ‘yung season eh. Sabi ko huwag nila tingnan yung standings, just take it one game at a time. Flat na flat nung first half eh, sabi ko hindi pa tayo tapos.
Ako naniniwala hanggat may buzzer, huwag tayo maniwala na talo na. So nag-respond naman sila at kita niyo naman nangyari,” sabi ni Saguiguit.
Nagtala si Pao Javillonar ng 14 points at 8 boards, habang nagdagdag si Deo Cuajao ng 11 points, 2 blocks at 2 assists para sa Letran.
Iskor:
Unang laro:
Perpetual (73) – Nitura 17, Roque 16, Razon 13, Gelsano 10, Pagaran 8, Abis 7, Orgo 2, Barcuma 0, Nunez 0, Ferreras 0, Omega 0, Boral 0.
Letran (61) – Javillonar 14, Cuajao 11, Garupil 10, Ariar 7, Reyson 7, Santos 6, Monje 6, Nunag 0, Go 0, Bautista 0, Bojorcelo 0.
QS: 16-25; 36-41; 49-55; 73-61
Ikalawang laro:
Benilde (65) – Corteza 17, Gozum 11, Oczon 8, Marcos 8, Sangco 7, Carlos 6, Arciaga 4, Marasigan 3, Jarque 1, Turco 0, Cajucom 0, Jalalon 0.
Mapua (61) – Escamis 19, Soriano 14, Hernandez 10, Recto 8, Cuenco 4, Rosillo 2, Bonifacio 2, Igliane 2, Dalisay 0, Asuncion 0, Bancale 0, Fornis 0.
QS: 21-17; 37-31; 51-45; 65-61.