BLAZERS, RAPTORS, SIXERS SA 2ND ROUND

damian lillard

SINELYUHAN ni Damian Lillard ang 50-point game sa pagsalpak ng malayong 3-pointer habang paubos ang oras upang bigyan ang Portland Trail Blazers ng 118-115 panalo laban sa bumibisitang Oklahoma City Thunder noong Martes ng gabi at ng five-game series win.

Nagtala si Lillard ng franchise playoff scoring record nang kunin ng Trail Blazers ang first-round Western Conference playoff series.

Nagbuhos si Paul George ng  36 points para sa Thunder, at nakalikom si Russell Westbrook ng 29 points, 14 assists at 11 rebounds.

Samantala, tumipa si Jamal Murray ng 23 points at nagbigay ng 7 assists upang pangunahan ang  host Denver Nuggets sa 108-90 panalo laban sa San Antonio Spurs sa Game 5 ng kanilang Western Conference playoff series.

Abante ang Nuggets sa serye,  3-2, papasok sa  Game 6 sa San Antonio sa Huwebes ng gabi. Kung kinakailangan, ang Game 7 ay lalaruin sa Sabado sa Denver.

Nagposte si Nikola Jokic ng  16 points, 11 rebounds at 8 assists, gumawa si Will Barton ng 17 points mula sa  bench, at kumamada si  Gary Harris ng 15 points para sa Denver.

Nagtala si LaMarcus Aldridge ng 17 points at 10 rebounds, at umiskor din si DeMar DeRozan ng  17 para sa  Spurs.

Sa Phildelphia, tumirada si Joel Embiid ng 23 points at 13 rebounds nang kumarera ang Philadelphia 76ers sa wire-to-wire, 122-100 victory la-ban sa bumibisitang Brooklyn Nets upang tapusin ang kanilang Eastern Conference first-round playoff series sa limang laro.

Umusad ang 76ers sa conference semifinals sa ikalawang sunod na season.

Susunod nilang makakasagupa ang second-seeded Toronto Raptors sa unang postseason meeting sa pagitan ng dalawang koponan magmula noong  2001 East semifinals, isang serye na napagwagian ng  76ers sa pitong laro tungo sa kanilang pinakahuling NBA Finals appearance.

Naiposte ng Philadelphia ang ikatlong double-digit win sa serye, subalit di tulad sa panalo sa Games 2 at  3, ang 76ers ay kumawala matapos ang  halftime.

Umiskor si Embiid ng 10 points nang maitala ng 76ers ang unang 14 points sa laro. Ang Nets ay 0-for-8 sa unang  14 possessions bago nakaiskor, at tangan ng 76ers ang 25-3 lead sa huling bahagi ng first at 32-15 bentahe matapos ang opening quarter.

Sa iba pang laro, nag-ambag si Kyle Lowry sa unang siyam na puntos ng Toronto sa game-opening, 12-1 flurry noong Martes ng gabi upang igiya ang Raptors sa 115-96 blowout win laban sa bumibisitang Orlando Magic at sa  4-1 win sa Eastern Conference first-round playoff series.

Umusad ang second-seeded Raptors sa Eastern semifinals, kung saan makukuha nila ang home-court advantage laban sa third-seeded Philadel-phia 76ers o  sixth-seeded Brooklyn Nets.

May pagkakataong tapusin ang best-of-seven series sa home, walang inaksayang oras ang Raptors sa pag-atake.

Bumanat si Lowry ng tatlong 2-point hoops at isang 3-pointer sa kanyang  early burst, at nagdagdag si Kawhi Leonard ng isang three-point play nang lumamang ang Toronto ng 11 points.

Comments are closed.