Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – LPU vs JRU
2:30 p.m. – Mapua vs Perpetual
SUMANDAL ang College of St. Benilde kina Tony Ynot at Allen Liwag upang pulbusin ang Emilio Aguinaldo College, 77-55, at kunin ang solong liderato sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Nagbuhos si Ynot, na nagdadalamhati pa rin sa pagpanaw ng kanyang lolo, ng 16 points, kabilang ang tatlong three-pointers para sa Blazers.
Naglalaro laban sa kanyang dating koponan, si Liwag, sa kabila na nahirapan na may 7 points lamang sa 3-of-11 shooting, ay gumawa ng malaking impact sa boards, kumalawit ng game-high 15 rebounds at kumana ng 2 blocks.
Nauna rito ay ipinalasap ng San Beda sa San Sebastian ang unang pagkatalo nito sa torneo kasunod ng bounce-back 85-75 victory.
Sa panalo ay napanatili ng Blazers ang kanilang perfect record sa 3-0.
“Tony Ynot had to go home because his lolo had passed. Allen struggled offensively but we all know he’s helping us even if he’s not scoring,” wika ni Benilde coach Charles Tiu.
Nagdagdag si Justin Sanchez ng 14 points at 6 rebounds habang nag-ambag si Jhomel Ancheta, ang bayani sa kanilang stunning win kontra Red Lions, ng 10 points para sa Blazers.
Susunod na makakaharap ng Benilde ang University of Perpetual Help Systems Dalta, na nasa ilalim ngayon ni bagong coach Olsen Racela, sa Miyerkoles.
Nakatabla ng San Beda ang kanilang biktima sa 2-1, kung saan kumamada si transferee Bryan Sajonia ng career-high 26 points.
Kuminang din si Yukien Andrada na may 21 points at 12 rebounds, habang nagdagdag si Jomel Puno ng12 points at 8 boards, para sa Red Lions.
Iskor:
Unang laro
San Beda (85) – Sajonia 26, Andrada 21, Puno 12, Payosing 7, Estacio 6, Royo 4, RC Calimag 4, Ri. Calimag 3, Culdora 2, Songcuya 0, Bonzalida 0, Celzo 0.
SSC-R (75) – Gabat R. 19, Escobido 14, Aguilar 11, Are 9, Felebrico 9, Gabat L. 8, Ricio 3, Velasco 2, Maliwat 0, Lintol 0, Pascual 0, Suico 0, Barroga 0.
Quarterscores: 21-12, 42-31, 58-51, 85-75
Ikalawang laro
Benilde (77) – Ynot 16, Sanchez 14, Ancheta 10, Eusebio 9, Liwag 7, Jarque 7, Cometa 7, Sangco 4, Serrano 2, Cajucom 1, Torres 0, Morales 0, Oli 0, Turco 0, Ondoa 0
EAC (55) – Gurtiza 13, Pagsanjan 10, Ochavo 4, Umpad 4, Quinal 4, Ednilag 4, Oftana 3, Angeles 3, Doromal 3, Luciano 2, Bacud 2, Bagay 2, Loristo 1, Lucero 0, Postanes 0.
Quarterscores: 22-15, 41-32, 59-48, 77-55