Standings W L
*Benilde 14 4
*Letran 13 5
*LPU 12 6
*San Beda 12 6
SSC-R 8 10
Arellano 7 11
Mapua 7 11
Perpetual 7 11
JRU 7 11
EAC 3 15
*Final Four
Mga laro sa Martes:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Benilde vs San Beda
3 p.m. – Letran vs LPU
MATIKAS na tinapos ng Jose Rizal University ang season makaraang dispatsahin ang defending two-time champion Letran, 87-71, sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Umiskor si Ry dela Rosa ng 22 points habang nagdagdag si Marwin Dionisio ng 16 points, 5 rebounds at 3 assists para sa Bombers na pinutol ang six-game losing skid upang tapusin ang kanilang kampanya na may 7-11 record.
Nagkasya ang Knights, nakopo ang twice-to-beat Final Four incentive, sa ikalawang puwesto sa 13-5.
Sa pagkatalo ng Letran sa kanilang final game sa elimination round ay nakuha ng College of Saint Benilde ang best record sa liga sa 14-4.
Magsisimula ang Final Four sa Martes kung saan makakasagupa ng Blazers ang No. 4 San Beda sa alas-12 ng tanghali, habang makakabangga ng Knights ang third-ranked Lyceum of the Philippines University sa alas-3 ng hapon sa San Juan arena.
Kailangan lamang manalo ng Benilde at Letran ng isang beses para umabante sa best-of-three Finals.
Sa unang laro, kumamada si Paolo Hernandez ng 22 points, 8 rebounds, 5 assists at 2 blocks, at tinapos ng Mapua ang kanilang nakadidismayang season, wala pang anim na buwan matapos ang runner-up finish, sa pamamagitan ng 75-67 panalo kontra San Sebastian.
Iskor:
Unang laro:
Mapua (75) — Hernandez 22, Nocum 17, Salenga 14, Bonifacio 7, Agustin 5, Cuenco 3, Igliane 3, Pido 2, Soriano 2, Garcia 0, Mercado 0, Gamboa 0, Lacap 0.
SSC-R (67) — Altamirano 24, Calahat 13, Are 9, Una 8, Aguilar 4, Villapando 2, Sumoda 2, Escobido 2, Suico 2, Paglinawan 0, Concha 0, Cosari 0.
QS: 6-19, 29-32, 46-51, 75-67
Ikalawang laro:
JRU (87) — Dela Rosa 22, Dionisio 16, Guiab 14, Delos Santos 11, Miranda 11, Medina 7, Arenal 2, Celis 2, Abaoag 2, De Jesus 0, Tan 0.
Letran (71) — Caralipio 15, Paraiso 12, Yu 10, Sangalang 7, Monje 7, Tolentino 7, Javillonar 5, Ariar 4, Santos 4, Reyson 0, Olivario 0, Guarino 0, Miclat 0, Lantaya 0, Bautista 0.
QS: 21-15, 48-38, 66-52, 87-71.